^

Para Malibang

Mga unang palatandaan ng ‘seizures’ (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Ang seizures o pag-atake ng epilepsy ay maaaring maranasan kahit sa pinaka-hindi inaasahang pagkakata­on.

Ayon sa mga health care expert, ito ay maaaring nakakatakot lalo na kung nagreresulta sa pagkawala ng malay-tao, malubha at maaaring magdulot ng matinding pananakit.

Pero may maituturing umanong mga unang palatandaan kaugnay dito, na makakatulong para mapaghandaan ang posibleng pag-atake. Tinatawag itong pre-ictals, na maaaring maranasan sa loob ng ilang minuto, ilang oras o ilang mga araw bago tuluyang mangyari ang pag-atake.

Kaya magkakaroon pa ng pagkakataon ang isang taong dumaranas ng seizures para magpunta sa mas ligtas na lugar o mapaghandaan ang sitwasyon. Biglaang pagdanas ng pananakit. Sa mga pag-aaral at iba’t ibang obserbasyon, karaniwang dumadaing ng pananakit ng ulo, na may pagkakahawig ng sa migraine ang mga taong daranas ng pag-atake. Pero ipinapaliwanag na ang pananakit na ito ay maaari rin maramdaman sa iba pang bahagi ng katawan. (Itutuloy)

ATAKE

AYON

BIGLAANG

ITUTULOY

KAYA

MAAARING

PERO

TINATAWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with