^

Para Malibang

Pinaglalaruan ka ba? o seryoso siya?

Pang-masa

Dahil sa buwan ngayon ng mga puso, hindi lahat ay nakakaranas ng magandang “love life”  ang iba ay dumaranas ng sakit,  lungkot at depresyon. Minsan, kung kailan holiday o may magandang okasyon na dapat sana kayo ay magkasama, dito pa kayo nagkakahiwalay at nag-aaway. Ngunit makalipas ang ilang linggo at humupa na kapwa ang galit sa inyong mga puso, makukuha ninyong muli na mag-usap, maging magkaibigan at maalala ang inyong masasayang nakaraan. Kagaya ng karanasan ni Honeylen, 28, nag-break sila ng kanyang boyfriend, ngayon ay nalilito siya sa kanyang nararamdaman dahil muli silang nagkaroon ng komunikasyon. Sa pakiramdam niya ay tila nais makipagbalikan sa kanya ng kanyang bf, ngunit kapag napag-uusapan nila ang salitang “commitment” ay tila nabibingi ito.  May pagkakataon na talagang malilito ka sa ipinapakita ng isang tao lalo na kung ikaw ay mayroong pagmamahal sa kanya.  Narito ang ilang paraan upang malaman mo kung tila pinag lalaruan ka ng iyong ex-bf/gf para sa kanyang sariling kasiyahan o kapakanan:

1. Pinagpapatuloy ng iyong ex-bf  ang mga bagay na dati ninyong ginagawa o hinihiling niyang gawin mo pa rin ang mga bagay na dating ginagawa mo para sa kanya bagama’t siya ay mayroon ng bagong karelasyon. Pangkaraniwan itong ginagawa ng mga lalaking alam nilang mahal pa rin sila ng babae kahit pa sila ay break na.  Kung ganito ang iyong nararanasan, maaaring inaabuso ka ng  iyong ex-bf o siya ay nagte-take advantage na sa iyo at nilalasap ang sarap ng atensiyon na nakukuha niya sa’yo.

2. Palagi ka pa rin sinasabihan ng iyong ex na mahal ka niya at may pagkakataon pa nga na nais niyang makipag-sex sa’yo, ngunit kapag binanggit mo na kung anong tunay ninyong relasyon at ang kanyang “commitment” sa’yo, makikita mong tila siya yelo na biglang manlalamig sa’yo. Kapag ganito ang iyong sitwasyon, tiyak na masasaktan ka. Pakiramdam kasi ng iyong ex ay makukuha ka niya anumang oras niyang gustuhin nang wala siyang ibinibigay na responsibilidad at commitment sa inyong relasyon. Hindi mo siya dapat hayaan na gawin niya ito sa’yo dahil dara- ting ang oras na iiwan ka niya kapag may dumating na “mas” kaysa sa’yo.

Dumarating din naman sa punto na makikita mo ang iyong ex na tila nalilito sa kanyang tunay na nararamdaman. Minsan ay tila nami-miss ka niya, ngunit sa totoo lang nais lang niyang hindi ka mawala sa kanyang tinatawag na “safety net” na kung dumating ang panahon na nais ka niyang balikan ay magagawa niya ito.  Pero sa totoo lang, mas magiging kawawa ka dito, dahil sa oras na muli kang mag-demand sa kanya ng gusto mo, tiyak na muli mong maririnig sa kanya ang mga salitang “Maging magkaibigan na lang tayo”.

vuukle comment

DUMARATING

HONEYLEN

IYONG

KAGAYA

KANYANG

KAPAG

MINSAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with