^

Para Malibang

‘Sinner or saint? (23)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKILALA agad ni Generoso ang matandang lalaking nagisnan na lang niyang kasama sa selda. “Kayo ang…pulu­bing—”

“—Ang pulu­bing binaril mo mula sa bubong. Pinatay mo ako,” sabi nito, ipinakita ang butas na noo.  “Sharp-shooter ka, Generoso.”

“B-Bakit alam ninyo ang ngalan ko, Tatang?”

Makahulugan ang ngiti ng matanda. “Hulaan mo.”

“Patay na kayo. Bakit pa kayo nabuhay?”

Muling ngumiti ang kausap ni Gene­roso. “Hulaan mo uli.”

“Nagmumulto ka, Tatang. Ako lang ang nakakakita sa iyo.”

“Tama. Ano pa?”

“Ikaw sa mga pinatay ko  ang hindi nagpasa­lamat sa akin. Ikaw din ang wala sa mga multong nagpakita sa akin…”

“Na ibig sabihin ay ano, Generoso?”

“Isa kang makasalanan na sa impiyerno napunta!”

Humalakhak nang malakas ang matandang lalaking nanlilimahid. “Ha-ha-ha-haaa! Mali! Maling-mali ang hula mo!”

Kinabahan na si Generoso.   May ideya na siya kung sino ang pulubi. Pero ayaw niyang isipin man lang ang ngalan nito.

Takot si Generoso sa presencia ng matandang lalaki.

“Tell me kung sino ako, Generoso. Sabihin mo man o hindi kung sino ako, hindi na mababago ang nakatakda.

“Oh my God…n-ngayon na ba?” Namutla na si Generoso.

“Oo, ngayon na. Mababagok ang ulo mo.”

“H-ha?” Biglang nadulas si Generoso, tumama ang ulo sa semento.

Masama ang lagay, masagana ang tagas ng dugo sa basag na ulo. Hindi ito inaasahan ni Ge­neroso. “I-Ikaw nga ba…si Kamatayan?”

“Ako nga at wala nang iba.”

“Pero naiintindihan mo ang ginagawa kong pagpatay, di ba? Tinatapos ko ang paghihirap ng mga wala nang pag-asa…”

“Kanya-kanya tayo ng papel, Generoso.”

“Ayoko pang mamatay. Please…”

SA KABILANG buhay na nagkamalay si Generoso. “Hayun ang pinto ng Langit!”

Kung si Generoso ay papapasukin sa Paraiso,  ang Diyos lamang ang nakakaalam. WAKAS. (Up Next: From Malaysia with Love)

 

vuukle comment

ANO

AYOKO

FROM MALAYSIA

GENEROSO

HULAAN

IKAW

PERO

TATANG

UP NEXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with