^

Para Malibang

Testicle problems

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Minsan, may mga lalaking nagkakaroon ng problema sa testicles. Minsan ay nagkakaro­on ng umbok o bukol, pamamaga, pananakit o
na­­wa­walang testicle. Dahil dito, makabubuting eksaminin ng regular ang testicle para maging
pamilyar dito at makita agad kung mayroon mang pagbabago, ayon kay Dr. Margaret Stearn ng embarassingproblems.com. Ang testicles ang gumagawa ng sperm.Ito ay oval shape, at karaniwang 4–5 cm ang haba, 3 cm ang lapad at 2 cm kakapal. Kadalasan, ang  isang testicle  ay mas malaki kaysa sa isa. Ang  epididymis (tingnan sa larawan) ay parang hugis ng sausage-sa
likod at taas ng bawat testicle. Sa katunayan, ito ay maliliit na tubes na naglalaman ng sperm. Kung babanatin ito, ito ay aabot ng 6-metro. Ang  spermatic cords ay pataas sa epididymis. Dinadala nito ang  sperm
papuntang penis, at mayroon itong blood vessels.
Ang scrotum ay ang balat na bumaba­lot sa testicles at epididymis.

Narito ang pa­raan ng pag-e-eksaminin ng testicles.

Ang pinakamagandang oras para eksaminin ang testicle ay pagkatapos maligo kapag ang balat ng scrotum ay naka-relax.

Suportahan ang scrotum at testicle sa palad para maramdaman ang bigat nito. Ang isang testicle ay bahagyang mas malaki kaysa sa isa pero halos magkapareho lang ang bigat nito. Hawakan ang testicle. Ilagay ang hinlalaki sa taas at ang ibang daliri
sa ilalim. Paikutin ng dahan-dahan ang testicles para makapa kung may umbok o bukol. Ang normal testicle ay hugis oval, medyo matigas ito ngunit hindi sintigas ng bato, makinis at walang umbok o bukol. Kapain ang epididymis, ang hugis sausage na umbok sa taas at likod ng bawat testicle. Medyo malambot ito. Kapain ang spermatic cords na nasa paitaas ng epididymis at likod ng
testicles. Ito ay firm at malambot na tubes. Gawin ito sa kabilang testicle. Tatalakayin natin sa susunod ang mga maaaring maramdaman sa testicle.

vuukle comment

DAHIL

DINADALA

DR. MARGARET STEARN

GAWIN

HAWAKAN

KAPAIN

MINSAN

TESTICLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with