^

Para Malibang

‘Sinner or Saint? (15)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HANDA na ang plane tickets pati ibang travel documents nina Corazon at Generoso. Kumbinsido na ang dalagang terminally ill na mayaman nga ang binata.

“Now, Corazon, will you marry me?”

“Payag kang magpapakasal lang ako sa iyo para makapag-tour sa ibang bansa, Generoso? Kahit alam mong hindi kita mahal?”

Tumango ang mayamang binata; ang lihim na berdugong maawain. “Pa­yag na payag ako.”

“Ano ang mapapala mo?”

“Corazon, magi­ging misis kita. Isang malaking kasiyahan sa akin iyon. Hindi ko malilimutan.”

“Malala ang sakit ko, pabigat ako.”

“Okay lang. Pagsisilbihan kita.”

May patnubay ng nanay si Corazon. Ang mahalaga raw ay makapagta-travel na sa ibang bansa ang anak, bago ito kunin ng Diyos.

“Dadalhin mo rin ako sa grotto sa Lourdes, Generoso?”

“Oo, idinagdag ko na sa destinasyon natin.”

NATULOY ang pagpapakasal nina Generoso at Corazon, sa isang simbahan na umunawa sa kalagayan  ng dalaga.

Humingi ng tatlong araw na pakikipag-bonding sa ina si Corazon bago sila magtu-tour sa ibang bansa. Pinayagan naman ni Generoso.

Maging siya man ay nagbalik muna sa dating buhay. Ang pagsentensiya sa mga dapat nang mamatay.

Gumagamit na siya ng high-powered firearm; may silencer pa rin.

Nasa bubong siya ng mataas niyang bahay. Nakaumang ang sandata.

Sa malakas na teleskopyo natatanaw ni Gene­roso ang ‘dapat nang mamatay’. “Hayun! Huklubang matanda na nagpapalimos, napakarumi, uugud-ugod, napabayaan na ng mundo.”

Lalaking nanlilimahid, nakaupo sa gilid ng kalye, ang super-tandang nilalang. Bahaw na ang tinig. Nanginginig ang kamay. “Palimos po…”

Napakalabo na ng mata, halos nangangapa. “Pangkain lang po. Nagugutom po ako…”

Awang-awa na naman si Generoso. Walang dudang siya ay maawaing berdugo. “Natapos na ang halaga mo sa mundo, tatang.  Magpahinga ka na.”

TSUD.  Epektibo ang silencer. Tumimbuwang ang matanda. Patay agad  sa tama ng bala. (ITUTULOY)                                                                                            

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

             

vuukle comment

ANO

AWANG

BAHAW

CORAZON

DADALHIN

DIYOS

EPEKTIBO

GENEROSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with