Pagpili ng over-the-counter medication
Kung oobserbahan, pangkaraniwan sa hindi iilang Pinoy ang pagdepende sa over-the-counter medications, bagay na hindi dapat ipagsawalangbahala. Dahil ayon sa mga health care expert, maaaring makapagdulot ng overdose, allergic reaction at magkaroon ng alanganing interaction ang over-the-counter medication sa iba pang medikasyon na isinasagawa, gaya nang may preskripyon na gamot.
Sinasabing maaaring makahadlang ang over-the-counter medication sa gamutang inihatol ng inyong pinagkakatiwalaang doctor. Halimbawa nito, ang simpleng antacid ay maaaring makapagpahina o magtanggal sa epekto ng antibiotics.
Pwede rin umano na maging seryoso ang side effects ng gamot sa ubo at sipon kung umiinom ng gamot para sa high blood pressure, diabetes o glaucoma.
Para sa wastong gabay sa pagpili ng mga over-the-counter medication, basahin at ikonsidera ang mga sumusunod:
Mag-evaluate
Kung ano ang sintomas na gusto mong maibsan?
Pwede kaya itong daanin sa gamutan sa bahay lang?
May mga gamot ka ba na dapat iwasan, dahil sa partikular na dahilan- buntis, nagpapa-breastfeed, kasalukuÂyang may isinasagawang medikasyon o allergies kaya?
(Itutuloy)
- Latest