Alagaan ang iyong atay
Maraming paraan upang maging malusog ang iyong liver o atay. Dapat mo lang itong ingatan dahil isa ito sa mga importanteng bahagi ng iyong katawan. Kaya lang para tuluyan mong mapangalagaan ang iyong atay, dapat na maging maingat ka sa mga pagkaing ipinapasok mo
sa iyong katawan. Ang atay kasi ang bahagi ng internal organ ng tao na nagsasala sa mga duming pumapasok sa katawan. Narito pa ang ilang paraan:
Uminom ng tea – Maraming eksperto na ang nagsasabi na mahusay na panlinis ng atay ang tea. Lalo na kung may tama na ang iyong atay dahil sa pag-inom ng alak, dapat ka ng uminom palagi ng tea para makatulong itong mapalakas ang iyong atay.
Artichoke – Makikita ang prutas o gulay na ito sa mga bansa sa Gitnang Europa. Kilala ito bilang antioxidant. Mahusay din itong pangtanggal ng mga taba sa iyong atay.
Magpahinga sa pag-inom ng alak – Wala ng ibang mabuting gawin upang maging malusog ang iyong atay kundi ang paghinto sa pag-inom. Kung talagang hindi mo na mapigilan ang iyong sarili, kahit dalawang araw sa isang linggo ay mamahinga sa pag-inom ng alak.
Mag-ehersisyo – Isa sa mga mahusay na pampalusog ng atay ay ang pag-eehersisyo. Dahil sa pag-eehersisyo ay naiiwasan mong mabalot ng taba ang iyong atay.
- Latest






















