Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain sa iyong katawan, lalo na ang mga matatamis gaya ng chocolate. Sa totoo lang may ilang benepisyo din ang nakukuha dito.
Nakakapayat – Tama ang pagkakabasa mo, nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. Sa ginawang pag-aaral ng mga eksperto sa University of California, natuklasan na nakakapagpabilis ng metabolismo ang chocolate. Dahil dito, agad na nalulusaw sa iyong katawan ang mga calories na nagiging sanhi ng iyong pagtaba.
Nakakatalino – Kukuha ka ba ng pagsusulit? Bakit hindi muna kumain ng ilang bar ng chocolate para mas gumana ang iyong IQ? Ang dark chocolate ay mayaman sa chemical na nakakapagbigay alerto sa utak ng tao, ito ay ang “Flavonoidsâ€. Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo sa ugat na patungo sa utak.
Nakakapagpalakas – Mahusay itong baunin kung ikaw ay namamasyal. Bakit? Tumutulong kasi ang “Theobromine†na taglay nito para mas lalo kang lumakas. Ang kemikal na ito ay matatagpuan din sa kape at ilang energy drink. Maganda din itong pagkunan ng magnesium at chromium na kilala bilang “energy producer’.
Nakakaalis ng kulubot sa mukha/balat – Kung ang mga prutas at gulay ay nagtataglay ng mga antioxidants, gayundin ang chocolate na siyang magbibigay ng makinis na mukha/kutis sa’yo.