^

Para Malibang

‘Rebound relationship’?

IDAING MO KAY VANEZZA -

Dear Vanezza,

I’m Bing, 28, single at kakapag-break lang namin ng aking boyfriend. Masyadong kumplikado ang aming naging relasyon kasi may ka-live-in na siya. Marami na akong naririnig noon kung gaano siya kababaero, pero hindi ko naman ‘yun pinansin, kasi pakiramdam  ko ay sinisiraan lang nila ang taong ito. Kaya lang, hindi ko rin inaasahan na ako mismo ang makakapagpatunay sa sarili ko kung gaano siya kababaero. Noong nakipag-break ako sa kanya, akala niya ay hindi ako seryoso. Naging masakit ito sa akin, dahil malayo pala sa pagkakakilala ko sa kanya ang tunay niyang pagkatao. Worst, hindi ko akalain na pumapatol pala siya sa mga babaeng medyo mababa ang level, tuloy pakiramdam ko ay ganun din kaya niya ko tiningnan?  Sa ngayon ay may nanliligaw sa akin, binata naman siya. Gusto ko sana siyang sagutin, kaya lang kung pag-aaralan ko ang aking sarili, may feelings pa rin ako sa akin ex-bf. Tama ba na pumasok ako agad sa bagong pag-ibig?

Dear Bing,

Hindi makakabuti sa’yo na agad na pumasok sa isang relasyon lalo na at alam mo sa iyong sarili na mahal mo pa ang iyong ex-bf. Ang tawag sa gagawin mo ay “rebound relationship” at karamihan sa ganitong uri ng  pakikipagrelasyon ay hindi nagtatagumpay. Hindi ka kasi tuluyang sumailalim sa “healing process” ng inyong relasyon. Bigyan mo muna ng tamang panahon ang iyong sarili na makapag-move-on and to get over with that guy. Hangad ko ang iyong tagumpay sa iyong love life.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

BIGYAN

DEAR BING

DEAR VANEZZA

HANGAD

KAYA

MARAMI

MASYADONG

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with