^

Para Malibang

‘The Rainbow (19)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HINDI ako nababaliw, hindi rin nag-i-ilusyon, Donna. Nakikita ko’t naririnig ang mga batang nangamatay. Masaya sila, kaso’y wala nga sa kanila ang aking anak…bakit wala sa kanila si Tamara?” Sakop ng dalamhati si William, hindi matanggap ang pinakahuling kabiguan.

Nanaig ang awa ni Donna sa bagong biyudo. Niyakap niya ito, pinayapa. “William, ano ba ang maitutulong ko para matanggap mo ang sitwasyon mo?”

“Huwag mong ihihinto ang pag-unawa sa akin, Donna. Iyon lang.”

“N-nariyan pa ba sila?” Sinasakyan ni Donna ang nasa diwa ni William. “Nakikita mo pa rin?”

Tumango ang biyudo. “Kailangang ipaalam ko sa mga magulang na narito ang mga anak nila. Kahit paano, matitiwasay sila.”

Nilabas nga ni William ang mga kapwa magulang na nagsipagtirik ng kandila. “Nasa loob ng school grounds ang mga anak-anak ninyo! Masasaya sila, nakita ko!”

Napatanga kay William ang mga ito. Nagduda sa katinuan ng biyudo.

“May batang babaing naka-pony, dilaw ang damit, singkit na cute!” dagdag ni William.

Napaigtad ang isang  ginang. “A-anak ko ‘yon, si Minerva!”

“Meron ding batang lalaki na bungi ang front teeth, mabibilog ang mata, medyo mataba at nakapulang t-shirt na may naka-print na Toy Car!”

“Si Boyet ko! Iyon ang suot ni Boyet nang mapatay!” Lumarawan ang pagkamangha sa ama ng batang lalaki.

“Marami sila! Lahat ng napatay, pati teachers, naroon!” sigaw ni William. “Tingnan n’yo! Baka makita n’yo rin!”

Hindi na nagdalawang isip ang mga magulang. Nagtakbuhang papasok, dumaan sa mahabang porch ng paaralan.

Sa playground ang punta nila, magbabakasakaling totoo ang sinasabi ng kapwa-magulang.

Halos sabay-sabay nilang sinapit ang playground. Pareparehong napatda, nanggilalas sa nakita.

“Hu-hu-huuu! Narito nga sila! Hayun si Minerva! Masasaya sila!”

“Boyet! Oh my God, ang anak ko nga!”

Maging ang iba pang mga magulang ay nakita ang kanikanilang mga anak.  Nais nilang lapitan ang nagkakatuwaang mga multo. (ITUTULOY)

ANAK

BOYET

IYON

MASASAYA

NAKIKITA

SI BOYET

SILA

TOY CAR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with