Ayaw ng pag-aralin
Dear Vanezza,
Ako po si Lovin, 16 years old. Ayaw na po akong pag-aralin ng nanay ko kasi pagod na raw siya. Masyado raw akong magastos tapos may mga bagsak pa akong subjects. Ang totoo po, ang perang binibigay niya sa akin ay napupunta lang lahat sa mga bayarin sa school. Ano po kaya ang dapat kong gawin para maniwala ang nanay ko? Problema ko rin po ang aking lovelife. MaraÂming nanliligaw sa akin pero gusto ko sana ay mas matanda sa akin, mga 18-23 years old. Ano ang dapat kong gawin para magustuhan ng lalaking mas matanda sa akin?
Dear Lovin,
Bakit hindi mo ipaliwanag sa nanay mo kung saan napupunta ang mga hinihingi mong bayarin gaya ng mga resibo. Ipakita mo rin ang iyong good grades sa school para maibalik ang tiwala niya sa’yo. Marahil kaya ayaw ka ng pag-aralin ng nanay mo ay dahil nakikita niya na hindi ka nagseseryoso at puro mga manliligaw mo ang iyong inaatupag. Mas mabuti ring ipagpaliban mo muna ang lovelife dahil hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon ng bf. Ang iyong pag-aaral ang gawin mong prayoridad.
- Latest