^

Para Malibang

Sinagot kahit ‘di mahal

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

My name is Elsa, 18 years old. Nagkatampuhan kami ng bf ko dahil lang sa isang simpleng bagay. Ilang araw ka­ming walang communication at hindi rin nagkita. Ngayon po ay may isa akong suitor na hindi guwapo. Pero dahil sa pagkakatampuhan namin ng bf ko, sinagot ko s’ya. Nagtataka daw s’ya dahil kahit mag-on kami para raw akong malamig sa kanya. Sa totoo lang kasi, talagang hindi ko naman s’ya type at hindi ko mapilit ang sarili kong mahalin s’ya. Two weeks ago, tinext ako ng bf ko na nakikipagbalikan s’ya. Kalimutan na raw namin ang nakaraan. Ang problema, paano ko sasabihin sa isang bf ko na nabigla lang ako sa pagsagot sa kanya. Natatakot ako na baka magalit s’ya. Tulungan mo po ako.

Dear Elsa,

Kung wala ka talagang napi-feel na love sa kanya, ngayon pa lang ay sabihin mo na ito sa kanya para hindi s’ya umaasa. Normal na magdamdam s’ya dahil kahit sino marahil ay masasaktan dahil tila pinaglaruan mo lang ang damdamin n’ya at ginawang panakip-butas. But you have to face the consequence of a mistake. Mag-sorry ka sa kanya at bigyan mo s’ya ng re-assurance na maraming babae na higit na karapat-dapat sa kanyang pag-ibig. Habang pinatatagal mo ang ganyang sitwasyon mas lalong lulubha ang problema mo. Kaya hanggang maaga ay magpaka­totoo ka at kausapin mo na s’ya. 

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR ELSA

DEAR VANEZZA

ELSA

HABANG

ILANG

KALIMUTAN

KAYA

NAGKATAMPUHAN

NAGTATAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with