Maraming GF ang anak
Dear Vanezza,
Lubos po akong nababahala sa aking anak na maraming girlfriends. Graduating na po sa college ang aking anak at natutuwa naman ako dahil mataas ang kanyang mga grades. Yun nga lang, masyado siyang playboy. Halos araw-araw, inuuwi pa niya sa aming bahay at ipinakikilala sa akin ang kanyang mga nobya. Araw-araw ay iba ang ipinapakilala niyang girlfriend sa akin. Pinagsasabihan ko siya na kahit sa kasintahan ay dapat siyang maging tapat at huwag makikipagrelasyon ng sabay-sabay. Ano kaya ang dapat kong gawin para maawat ang anak ko sa ganitong gawi? - Worried Mom
Dear Worried Mom,
Sa panahon ngayon na masyadong liberated ang mga kabataan, ay mas kailangan ng anak ang patnubay ng magulang. Kaya tama ang ginagawa mong pangangaral sa kanya. Ipaunawa mo sa iyong anak na okey magkaroon ng maraming kaibigan, pero to enter into an intimate relations with many ay hindi tama dahil maaring magdulot lang ito sa kanya ng problema sa hinaharap. Huwag naman, pero baka mapikot siya ng wala sa panahon.
- Latest
















