^

Para Malibang

‘Romantic New Year’s Eve’

Pang-masa

Paano nga ba magkaroon ng isang “Romantic New Year’s Eve” para sa mga mag-asawa, mag-boyfriend o girlfriend o mag-lovers? Narito ang ilang paraan:

Magpaganda – Wala ng ibang makakapagbigay ng magandang paningin sa iyong partner kundi ikaw, kaya naman magpaganda sa abot ng iyong makakaya.

Gumawa ng mga aktibidad na kapwa mag-e-enjoy – Isipin ang mga bagay na parehas ninyong “trip”. Kung mahilig kayo kapwang kumain, dapat kang maghanda ng mga bagay na kapwa ninyo paborito. Kung trip niyo naman na makinig ng “music” bakit hindi ito gawin ng sabay habang kumakain o kahit nakaupo lang sa sofa.

Alalahanin ang inyong “first date” – Habang kumakain o nakikinig ng music, maaari mong ipaalala sa kanya ang inyong first date kung saan mayroon mga nakakatawang eksena dito.

Asikasuhin siya – Masyado bang naging busy ang iyong partner bago sumapit ang New Year’s eve? Kung ganun, bakit hindi siya bigyan ng bonggang pag-aasikaso? Maaari mo siyang pahigain sa kama at bigyan ng mainit na haplos o masahe. Kung mayroong kang wine, bigyan siya at saka batiin ng Happy New Year. Sabay na manood ng fireworks at saka mo sabihin sa kanya ang mga bagay na matagal mo ng hindi nasasabi sa kanya gaya ng salitang “I love you”.

Bigyan siya ng regalo o bulaklak – Bagama’t “classic” ang dating ng pagbibigay ng bulaklak sa iyong gf o misis o lover, nakapagbibigay pa rin ito ng kakaibang kilig sa kanya. At presto! Mas mai-in-love siya sa’yo.

vuukle comment

ALALAHANIN

ASIKASUHIN

BAGAMA

BIGYAN

GUMAWA

HABANG

HAPPY NEW YEAR

ISIPIN

NEW YEAR

ROMANTIC NEW YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with