Hindi na magkakabalikan
Tanong: Saang bansa ako susuwertehin—Hong Kong, Dubai or Taiwan? May pag-asa bang magkabalikan ang aking mga magulang?Anong trabaho ang bagay sa akin sa abroad?---Scorpio-Rooster
Sagot: Sa Hong Kong o sa Dubai ka susuwertehin. Kung mag-a-abroad ka, ito lang ang tandaan: May natapos mang kurso o wala, siguruhin mo lang na matiyaga ka at hindi basta-basta susuko sa bigat ng trabaho upang makamtan ang tagumpay. Malaki ang tsansang makapag-abroad sa 2014. Malabo nang magbalikan ang nanay at tatay mo lalo na kung ang dahilan ay nagtaksil ang isa. Isa pa, hindi magkasundo ang kanilang ugali base sa kanilang birthday.
(Ilakip ang tunay na pangalan at birthday sa inyong katanungan at ipadala sa email address na ito: [email protected])
- Latest