^

Para Malibang

Torpe

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Addy. Last year mayroon akong kapitbahay na naging malapit kong kaibigan. Gusto ko siyang ligawan pero nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit kapag kaharap ko siya ay umuurong ang dila ko na magtapat sa kanya. Very close siya sa akin. Lagi siyang natatawa sa mga jokes ko. Kapag may problema siya sa school, ako ang una niyang kinakausap. Sinasabi pa niya sa akin kapag may mga manliligaw siya. Wala pa siyang bf dahil wala raw siyang type. Hanggang ganoon lang ang relasyon namin. Sinasabihan niya ako ng problema niya. Kung minsan ganundin ako. Hanggang sa nagpaalam siya sa akin. Pupunta na raw sila sa Amerika at naibenta na ang kanilang bahay. Pinilit kong maglakas-loob pero hindi pa rin ako nakapagtapat. Nakaalis na sila ngayon at hindi ko alam ang address nila sa Amerika. Nagsisisi ako ngayon kung bakit hindi ko nasabing mahal ko siya. Alam ko na type niya ako. Anong dapat kong gawin?

Dear Addy,

Wala ba siyang Facebook o e-mail address? Si­guro nama’y mayroon siyang account. Moderno na ang panahon natin kaya madali na nating mahanap ang mga kamag-anak o kaibigan. Kung wala naman siyang FB o e-mail add, baka may kakilala kang mga kamag-anak niya. Kung makuha mo, sulatan mo siya. Siguro naman ‘yung hindi mo masabi ng harapan ay maipagtatapat mo na sa kanya sa sulat.

Sumasaiyo,

Vanezza

ADDY

AKO

ALAM

AMERIKA

DEAR ADDY

DEAR VANEZZA

HANGGANG

SIYA

SIYANG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with