^

Para Malibang

‘Hahanapin kita (24)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“SABI ko, Gabriel na guwapo’t matalino, gusto mo bang samahan kita sa pupuntahan mong ibang ispiri­tista?” ulit na tanong ni Sandra, halatang lumalalim ang pagtingin sa binatang propesor.

Saglit lang nag-isip si Gabriel. “Malayu-layo ‘yon, baka mag-overnight tayo. Kaya mo bang matulog na katabi ako?”

Tango agad ang dalaga. “Oo naman! Disente ka, disente ako—walang mangyayaring masagwa! Di ba?”

“O-Of course. Basta ba balot na balot ka kapag natulog. Ako rin, magbibihis ng maayos.” Nais magsisi ni Gabriel kung bakit pumayag na isama si Sandra.

Napakalakas pa naman ng sex appeal ng dalaga. Paano kung sa kalagitnaan ng gabi ay makalimot siya, matukso?

Hindi na niya mabawi ang pagpayag. Basta tatatagan niya ang sarili. Aalalahanin niya ang sagradong pag-ibig kay Carmina.

A…namiss niyang bigla ang yumaong nobya. Laluna ang maapoy nilang halikan at yakapan noon.

“Hoy!” Niyugyog siya ni Sandra.

‘Natauhan’ si Gabriel. “S-sa Sabado na ang alis natin, Sandra.”

SA DULO ng Ilokos pupunta sina Gabriel at Sandra, sakay ng tourist bus. Magkatabi sila sa 2-seater, ang dalaga ang nasa tabi ng bintana.

“Babae ba ang ispiritista, Gabriel?”

“Oo pero hindi katalo. 50s, biyudang overweight, sunog sa araw.”

 “Pati ba ang tungkol sa nanliligalig na hitana, itatanong mo?”

“Siyempre. Pero una kong itatanong-- kung nasaan si Carmina.”

“Ano kaya, itanong ko na rin kung bakit there are times na may mga nagpaparamdam na ghosts sa akin?”

“Puwede, okay lang.”

GABI na nang makarating sila sa Ilokos. Pagkakain ay nagtuloy na sila sa  paupahang bahay para magpalipas ng magdamag.

Iisa ang ilaw, malamlam pa. Ang aircon ay halos walang lamig.

Nagpapaypay sina Gabriel at Sandra. Kay-init ng panahon.

Makapal ang pantulog ng dalaga; ang kay Gabriel ay maong pants at lumang long-sleeve shirt.

“Paano ba tayo makakatulog nito, Gabriel? Super-init.”

“Sandra, puwede kang magbawas ng suot mo.”

May kasama sila, hindi namamalayan ng dalawa. (ITUTULOY)

vuukle comment

AALALAHANIN

ANO

CARMINA

GABRIEL

ILOKOS

OO

PAANO

SANDRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with