^

Para Malibang

‘Hahanapin kita (19)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Gilda Olividado - Pang-masa

MAY crush kay Gabriel si Sandra pero harmless crush daw, sabi ng dalaga. Hindi raw dapat magselos ang kaluluwa ni Carmina.

Bilang lalaki ay ‘tumangos’ ang ilong ni Gabriel. Bale ba ay hindi naniniwala ang  binatang propesor na merong harmless crush.

Pasalamat ang Sandrang ito, sa loob-loob ni Gabriel, kung di matatag ang pag-ibig niya kay Carmina, baka natukso na siya sa magandang senior student. Alam niyang si Sandra ay 23, hindi na menor de edad.

Patigil-tigil ito sa college kaya ngayon pa lang gagraduate.

“What do you say, ha, Gabriel?  Turn-off ka na ba sa akin? Kadiri na ba ako for admitting na may crush ako sa’yo?” Nag-aalala si Sandra.

“No, hindi ako na-turn off, Sandra. And no, hindi ka kadiri. You’re just being honest.” Natural na hindi manghihiya ng babae si Gabriel.

“Good. Mabuti naman.” Malambing na tinapik ni Sandra sa kamay ang guwapong propesor.

Naalala nila ang mga problema sa mga ‘taga-kabila’. Si Sandra ay maaring guluhing muli ng mga invisible ghosts; si Gabriel ay hindi alam kung paano hahanapin si Carmina.

“Saan ko siya hahanapin, Sandra? Tell me—dapat na ba akong magpakamatay para nasa kabilang-buhay na rin ako?”

“Bawal mag-suicide, ayaw ni Lord niyan.”

“Pero matagal pa bago ako  mamamatay. Wala akong sakit, wala akong bisyong alak at sigarilyo. Baka abutin pa ako ng 60s, maiinip na sa paghihintay sa Langit si Carmina.”

Kinukulili na ang tenga ni Sandra sa pangalan ni Carmina.

“Gabriel, mahahanap mo naman siya kahit buhay ka pa.”

“Paano, you tell me, Sandra.”

Nagbigay ng dalawang pangalan si Sandra, kumpleto pati address. “Kung pupuntahan mo sila, I must remind you na hindi sila naniningil ng bayad. Donasyon lang kahit magkano ang tinatanggap nila.”

“Mga ispiritista? Pinapupunta mo talaga ako sa ispiritista? Kahit wala nga akong bilib sa kanila?”

“Hinahanap mo si Carmina. Ang mga ispiritista ang makatutulong sa iyo, Gabriel, trust me.”

Maghihiwalay na sina Gabriel at Sandra sa parking lot ng mall. Walang babalang humalik sa pisngi ng binata si Carmina.

May multong nakatingin sa kanila. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

AKO

ALAM

BAWAL

CARMINA

GABRIEL

SANDRA

SI SANDRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with