^

Para Malibang

‘HAHANAPIN KITA (17)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“I PROMISE, Gabriel, hindi ko itsitsismis ang ikukuwento mong super-hiwaga,” sabi ni Sandra sa binatang propesor.

Napanatag si Gabriel, dinetalye ang tungkol sa pagkikita nila ng multo ni Carmina sa tabing dagat tuwing ika-sampu ng buwan.

Mangha ang dalaga. “Kinikilabutan naman ako, Gabriel! Imagine, abot hanggang sa kabilang buhay ang pagmamahalan ninyo!”

Lumungkot ang mukha ng binata. “Kaso, hindi siya dumating tonight, Sandra. Tatlong oras akong naghintay kay Carmina…”

“Spirit ni Carmina, you mean…”

“Oo, gano’n nga. Multo sa iba. Kaluluwa, soul, ghost--  whatever.”

Nag-isip si Sandra ng dahilan sa hindi pagdating ni Carmina. “Baka naman nagbago ng petsa—hindi na pala  10th of the month?”

Umiling si Gabriel. “Precise ang mga spirits, Sandra. Mga mortal na tao ang pabagu-bago.”

Tumangu-tango si Sandra. “Gusto mo itanong ko sa lolo ko at tiyuhin kong mga ispiritista?”

Iling agad si Gabriel. “No. Hindi pa ako naniniwala sa ispiritista.”

“Gabriel, baka may alam silang dahilan. Linya nila iyon.”

“No, Sandra. I’m sure magpapakita din sa akin si Carmina in due time. Baka sa bahay ko, sa room ko probably…”

“Nakakainggit naman ang pagmamahal mo sa kanya.”

“Siya ang buhay ko.” Ipinakita ni Gabriel kay Sandra ang larawan ni Carmina. Nasa wallet niya iyon.

“She is so beautiful, Gabriel,” sincere na sabi ni Sandra. “What a waste, napakaaga niyang namatay.”

“Meron pang dalawang hiwaga, Sandra.”

Dinitalye ni Gabriel ang tungkol sa hitana at sa mahiwagang ulan sa puntod ni Carmina.

“Hitana na laging nagpapakita sa iyo sa iba’t ibang lugar? At ulan na pandalawahang tao lamang?  Wow na wow na wow!”

“Gusto kong bugbugin ang hitanang ‘yon, sa tutoo lang.”

“At ano ang masasabi mo sa ulan?”

“May nais ipahiwatig si Carmina, hindi ko lang alam kung ano.”

“G-Gabriel, may ghost na nangangalabit sa akin… right now,” sabi ni Sandra, namumutla sa takot. (ITUTULOY)

               

                 

               

                                 

 

vuukle comment

CARMINA

DINITALYE

G-GABRIEL

GABRIEL

HITANA

SANDRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with