^

Para Malibang

‘HAHANAPIN KITA (16)’

TALE FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGKITA sina Gabriel at Sandra sa napakadisenteng coffee shop sa mall, ganap na ika-pito ng gabi.

“Sir Gabriel, pasensiya na po sa abala. Tungkol po kasi sa reasearch ko about paranormal activities. Hindi po pala madaling magsaliksik tungkol sa mahihiwagang pangyayari…”

“Tama ka diyan, Miss Sandra…”

“E, sir, puwede po bang Sandra na lang kapag nasa labas tayo ng university? Hindi na po ako teenager, I’m 21. Wala lang, masyado kasing pormal,” mahabang sabi ng dalaga.

“Fine. Then call me Gabriel, huwag nang ‘sir’ or ‘professor’—kapag wala tayo sa campus.” Nagpingkian sila ng kamao, nag-high fives.

“Ano ang tanong mo, about your research, Sandra?”

“Bakit kaya parang nasa paligid ko lang ang mga spirits, Gabriel?”

Napaunat sa pagkakaupo ang propesor. “Excuse me?”

“Gaya kagabi habang inaalam ko ang tungkol sa mga ispiritista—para akong nakakarinig ng bulungan sa aking paligid, gayung nag-iisa ako sa kuwarto ko…”

“Baka may nagbubulungan nga,  sa labas ng silid siguro, Sandra.”

Umiling ang magandang dalaga. “Gabriel, nag-iisa ako sa apartment ko. At hindi ang mga nasa labas ng bahay…”

Walang maisagot si Gabriel. Isang posibilidsad ang naisip. “Baka nais kang gawing medium ng sinasabi mong spirits?” 

“A-Ako?  Gustong gawing tagapamagitan ng m-mga multo?” Kinilabutan si Sandra.

“Posibilidad lang naman, Sandra. Hindi ko sinabing ganoon na nga.”

“Pero ang lola ko at dalawang tiyuhin sa probinsiya, Gabriel, pawang mga ispiritista. Sinasaniban sila ng mga ispiritu kundi man nakakausap nila.”

Natigilan si Gabriel. “Actually, hindi ko alam kung totoo silang kayang makipag-ugnayan sa mga spirits or souls, Sandra. Duda ko’y kuwentong barbero lang sila…”

“Huwag ka namang ganyan, Gabriel. Malay naman natin, totoo pala.”

“Mahilig ka rin lang sa mahiwagang pangyayari, ano kaya at ikuwento ko sa iyo ang misteryosong naganap na ako mismo ang saksi?”

Halos makiusap si Sandra sa propesor. “Sige na, Gabiel, ikuwento mo! Maniniwala ako, promise!”

“Atin-atin lang, Sandra, huwag mong itsitsismis sa iba.” ITUTULOY

A-AKO

AKO

GABRIEL

LANG

MISS SANDRA

SANDRA

SIR GABRIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with