^

Para Malibang

‘HAHANAPIN KITA (8)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“SUMAGOT ka! Paano mo nahulaan? Sino ka?” Hawak na ni Gabriel sa braso ang hitana. Bakit makahulugang ngiti ang sagot nito? “Magsalita ka!” utos ni Gabriel. Inalis nito ang kamay ng binata. Tumitig nang husto, wala nang ngiti. Hindi matao sa lugar, hindi sila pansin ng mga motorist kahit halos sagabal ang pagkakaparada ng kotse ni Gabriel. “Si Carmina at ikaw, magkakaproblema,” seryosong sabi ng hitana. Napakunot-noo si Gabriel. “Whaaat?” “Malaking pagbabago ang magaganap sa ika-apat na buwan…” Napalunok ang binata. “B-be specifi c… anong malaking pagbabago…?” “Malalaman mo, pagdating ng panahon “Hey!” sigaw ni Gabriel, palayo na ang hitana. WEEIINNGG. Serena ito ng motorcycle cop. Napansin ang kotse ni Gabriel na naiwang bukas ang car door. Napabalik agad sa kotse si Gabriel. “Offi cer, akin po iyan. Pasensiya na po. Kasi’y--” Tinikitan si Gabriel ng illegal parking and obstruction. Nang lingunin ng binata ang hitana, wala na ito. Naikuwento na naman niya kay Dave, sa telepono, ang pinakahuling pangyayaring iyon. “Maniwala ka, Gabriel, hindi mortal ang hitanang iyon! Mali ang palagay nating isa lang siyang manloloko!” Napabuntunghininga sa kabilang dulo ng linya si Gabriel. “Iyan nga rin ang palagay ko. Para niya akong sinusubaybayan, Dave…” “Ang million-dollar question, Gabby, ano ang magaganap na malaking pagbabago sa ika-apat na buwan?” Napailing si Gabriel. “Your guess is as good as mine. Hindi ko mahulaan, sa totoo lang…” “Me a n w h i l e , Gabby, tuloy ang usapan natin. Lihim ko kayong panonoorin sa next meeting ninyo ni Carmina…” “At siguro’y kukunan mo kami ng pictures, nang lihim?” “Well, kung papayag ka lang naman.” Tumango si Gabriel. “Payag ako. Gusto kong magkaroon ng everlasting souvenir ni Carmina. Tiyakin mong makukunan mo ang mukha niya, Dave.” ( I T U T U L O Y )

vuukle comment

BAKIT

CARMINA

GABRIEL

HAWAK

HELLIP

I T U T U L O Y

INALIS

SI CARMINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with