^

Para Malibang

‘Hahanapin kita (5)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Gilda Olividado - Pang-masa

“DAVE, habambuhay ang pagluluksa ko sa pagkamatay ni Carmina! Hindi matatapos sa isang taon! Walang hangganan!” emotional na sabi ni Gabriel sa kaibigan.

Nasa caféteria sila, pinayapa ni Dave si Gabriel. “Hey, relax. Hindi tayo nag-aaway.”

“Putang amang hitana ‘yon, e. Nananahimik ako sa tabing dagat…”

“Huwag mo nang pansinin ang sinabi no’n. Sira-ulo ‘yon na ikaw ang napaglibangang lokohin.”

“Tuwing ika-sampu raw ng buwan magpapakita si Carmina! An’ sarap patayin ng manlolokong ‘yon!”

“Gabby, inumin mo na ang kape, lalamig na.”

UMAGA. Ika-sampu ng sumunod na buwan. Labis na naliligalig si Gabriel. Nasa isip niya ang sinabi ng hitana: Magkikita kayo tuwing ika-sampu ng buwan. Saktong oras at lugar…”

Nakatakda pa naman siyang pumunta sa saktong lugar sa bayside park, sa boulevard na tabing dagat, sa pareho ring oras.

“Hindi na lang ba muna ako pupunta? Para lang patunayan sa hitana na ako’y hindi naniniwala…?”  Nasa college building siya,  breaktime sa pagtuturo bilang propesor.

“Pero bakit naman pati schedule ng punta ko do’n e maaapekto ng babaing ‘yon? Talagang nais kong naroon ako tuwing tenth of the month—bilang paggunita ko sa pagkamatay ni Carmina.”

Gusto niyang damhin ang dusa at kalungkutan sa pagpanaw ni Carmina. Bahagi ng pagmamahal niya sa nobya ang pagdurusa.

Hindi napigil ni Gabriel ang sarili. Pagabi pa lang ay nasa boulevard na siya, sa pasyalang nasa tabing dagat.

Kung meron mang konsolasyon si Gabriel sa nangyari, iyon ay ang pagkadakip at pagkakulong ng teenager na nakabaril kay Carmina. Nililitis na ito sa hukuman.

Naupo siya sa paboritong area nila ni Carmina sa pahabang park.

Bumili siya ng popcorn at buco juice, gaya ng nakaugalian nila noon ni Carmina. Kinausap niya ito sa isip. “Hindi kita ma­lilimutan, Carmi. Mabubuhay ako na ikaw lamang ang mahal…”

Naramdaman niyang may katabi na sa panda­lawang park bench. Nilingon niya ito.

“Oh my God…C-Carmina!”(ITUTULOY)

vuukle comment

BAHAGI

BUMILI

C-CARMINA

CARMI

CARMINA

HUWAG

IKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with