^

Para Malibang

Usapang gilagid (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

May iba’t ibang problema sa gilagid, ilan sa masasabing pinaka-karaniwan dito ay ang pagdurugo at pagkakaroon ng singaw. Ayon sa mga health care expert, ang pagdurugo ng gilagid ay karaniwang senyales ng pagkakaroon ng gingivitis o pamamaga. Hindi naman ito masasabing peligrosong kondisyon. Dahil nagagamot ang gingivitis. Kailangan lamang na maging maagap para hindi lumala ang pinsalang maaaring idulot nito.

Tinukoy na ang kawalan ng proper oral hygiene at dental care ang pinagmumulan ng gingivitis kaya ang katiyakan ng magkaroon ng wastong kalinisan sa bibig at regular na pagkonsulta sa inyong dentista ang epektibong hakbang para makaiwas dito. Simulan ang regular na pagsisipilyo ng mga ngipin. Gawin ito tuwing matapos kumain. Mag-dental floss araw-araw, para matanggal din ang mga naipit na pagkain o plaque na kumapit sa ngipin. Ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig dahil nakatutulong ito na matangay ang anumang bahagi ng pagkain na posib­leng naiwan sa bibig.

Mainam din kung gagamit palagi ng mouthwash para mapuksa ang harmful bacteria sa bibig at maiwasan din ang pagkakaroon ng plaque. (Itutuloy)

vuukle comment

AYON

DAHIL

GAWIN

ITUTULOY

KAILANGAN

MAINAM

PARA

SIMULAN

TINUKOY

UGALIIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with