^

Para Malibang

‘Hahanapin kita (1)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“CARMINA, may surpise ako sa iyo! This is for you, love!” Patakbong palapit si Gabriel sa nobya. Ang dalaga ay palabas ng Grade School building. Teacher ito doon. “And what is it, my dear Gabby?” palambing na tanong ni Carmina, nakabungisngis sa guwapong boyfriend. Inilabas ni Gabriel ang isang formal letter. “Mula ito sa Goodman Foundation International. Kinilala nila ang nagawa kong tulong sa mga nasalanta ng habagat.” “Wow! Dapat lang! Halos namatay ka sa ginawa mong ‘yon!” SI GABRIEL ay isang college professor. Binata, 25, ang tanging naging nobya ay si Carmina. They were sweethearts mula pa noong fi rst year college. Never na naging unfaithful si Gabriel kay Carmina; ganoon din naman si Carmina, si Gabriel lamang ang iniibig nito. Panahon ng habagat nang itaya ni Gabriel ang buhay sa pagsagip sa mga natangay ng baha sa ilog. Anim na tao ang nailigtas niya sa tiyak na kamatayan—kasama ang bagong silang na sanggol. “Ayoko sanang ako’y pinupuri at pinaparangalan dahil sa nagawa kong tulong, Carmina…I did it na walang hinihintay na kapalit.” “Alam ko ‘yon, Gabby. Ikaw pa e lagi kang low profi le. And I love you for that. Humble na humble ka, never na nagyabang.” Magkakapit-kamay nang naglalakad ang dalawa palabas ng school grounds. “Kaso, ganitong international body na ang nagrecognize sa akin, hindi ko maiwasang tumangos ang ilong.” “Hi-hi! Dati na pong matangos ang ilong mo, my dear Gabby!” “May isa pang surpresa, Carmi,” bulong ni Gabriel. “Hulaan mo.” “Pakakainin mo ako sa fi ne dining resto?” “May cash reward sa akin na One Thousand Dollars!” “Oh my gosh! Talaga?” “Yes, Carmina! Pandagdag sa nalalapit nating kasal!” Nasa parking lot na ang dalawa. Sa tuwa’y nagyakap sila, naghalikan. Hindi naman masagwa, naaliw sa kanila ang mga tao. DISYEMBRE 10, alas-siete ng gabi, saktong isang linggo bago sila ikasal. Nasa boulevard sina Gabriel at Carmina, nakatanaw sa dagat. Kabilang sila sa namamasyal sa magandang seaside park. Hindi nila alam na trahedya ang kasunod. Isa sa kanila ang mamamatay sa gabing ito.

(ITUTULOY)

ALAM

AYOKO

BINATA

CARMINA

GABRIEL

GOODMAN FOUNDATION INTERNATIONAL

GRADE SCHOOL

ONE THOUSAND DOLLARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with