^

Para Malibang

‘May - December affair’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Gab, 24 years old. Karelasyon ko po ngayon ang ina ng aking bestfriend sa college. Biyuda na ang nanay ng kaibigan ko at 45 years old lang. Nagkakilala kami ng imbitahan ako ng kaibigan ko sa birthday ng kapatid niya. Napansin ko ang pagiging malapit ng nanay niya sa akin hanggang sa hingiin niya ang cell phone number ko. Mula noon ay lagi niya akong tini-text at kung minsan ay tinatawagan. Hanggang ngayon ay sikreto ang relasyon namin at lihim kung magkita kami. Pero parang nagi-guilty ako. Kung magkasama kami ng kaibigan ko ay hindi ako makatingin ng diretso.

Dear Gab,

Kung talagang nagmamahalan kayo ay wala namang masama dahil biyuda naman ang nanay ng kabigan mo. Pero kung ang relasyon ninyo ay pampalipas oras lang at dala lang ng tukso ay hindi maganda. Tiyak din na hindi magugustuhan ng kaibigan mo kung malalaman niya ang inyong relasyon. Huwag mo ng hintayin na mabisto pa kayo ng kaibigan mo at putulin mo na ang relasyon mo sa kanyang ina bago tuluyang mawasak ang inyong pagkakaibigan.

 

vuukle comment

BIYUDA

DEAR GAB

DEAR VANEZZA

HANGGANG

HUWAG

KARELASYON

KUNG

MULA

NAGKAKILALA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with