^

Para Malibang

GHOST LAKE (33)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Gilda Olividado - The Philippine Star

NATARANTA lalo ang angkan ng Montalvo sa pinakabagong pangyayari. Hindi nila malaman ang gaga¬wing pag-iwas sa mga kabaong.
Nagpatuloy kasi ang paglitaw ng mga kabaong, this time    ay wala nang mga lamang bangkay o kalansay.
At hindi na umaalis ang mga ito, nasa harap at itaas ng bahay-bahay ng mga Montalvo. Kita mula sa ibaba ang tatlo-apat na kabaong sa gilid ng bubong ng kanya-kanyang bahay nina Macario, Eric at Grego Montalvo. Maging sa munisipyo, sa harap mismo ng mayor’s office, hindi na matinag ang simpleng kabaong mula sa lawa. “Ano ang solusyon natin ngayon, John?” tanong ng patriarko.  “Lolo Macario, lituhin natin ang media. Sabihin nating humihingi ng tulong sa atin ang mga biktima—na mahuli ang mga kriminal. At tayo’y mangangako kuno na gagawa ng mga imbestigasyon!”
“You mean sa halip aminin nating tayo ang hinahabol ng mga kabaong, lilitaw na tayo ang hinihingan ng tulong…?” “Tama, Lolo! Lalabas pa tayong hero sa mata ng tao dahil mangangako tayo—ang buong Montalvo clan—na hahanapin ang mga kriminal!” matatag na sabi ni Mayor John. “Brilliant!
Tama ang apo ko! Deny to death tayo! Tatawag agad tayo ng media conference! Magpapapogi tayo sa madla!” masiglang sabi ni Macario Montalvo, kahit super-tanda na’y nais pa ring manlinlang ng tao.
“Ako lang ang spokesman ng angkan!” sabi ni Mayor John sa mga kapamilyang pawang naging mayor ng San Isidro. By this time ang Camachile Lake ay dinarayo na ng mga taong nais makasaksi sa nag¬lulutangang kabaong. Sa gitna ng krisis ng mga babaing nabiktima, naging tourists spot ang lawa na tinawag nang Ghost Lake. Ang mga kabaong na ayaw nang matinag sa mga bubong at bahay ng mga Montalvo ay dinayo na rin ng media at mga tao. Ang nasa labas ng Mayor’s Office ay hindi na rin maalis.   
SA MEDIA conference na ginawa mismo sa munisipyo, matalinong nasalag ni Mayor John ang mga nang-iintrigang tanong ng mga mamamahayag.
“Kami ang takbuhan ng mga kabaong dahil naniniwala silang kami lang ang makalulutas sa injustice na naganap sa mga biktima!”  
BLAAG. Tunog ito ng malakas na pagbalya sa main door ng conference hall. Pumasok ang ‘buhay’ na mga kalansay!  
(TATAPUSIN)
   

CAMACHILE LAKE

GHOST LAKE. ANG

GREGO MONTALVO

KABAONG

LOLO MACARIO

MAYOR JOHN

MONTALVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with