^

Para Malibang

Ghost Lake (32)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

BILANG investigative reporter, na-trace nga ni Miss Quirina Santos ang mga lumang kaso ng pagkawala ng mga babae; napatunayan ng mga forensic experts na ang mga kalansay ay sa mga babaing nangawala sa iba’t ibang panahon at lugar.

Ang angkan ng Montalvo ay nagpapakatatag. “Basta huwag tayong aamin,” utos ni Eric Montalvo, ex-mayor. “Kahit pa natuklasan nila ang mga bangkay, hindi tayo basta maili-link sa mga iyon.”

“At paano na ang lintek na mga kabaong na tinapatan ang bahay-bahay natin, ha, utol? Itinuturo na tayo ng mga nabiktima natin!”

“Stop it, Uncle Grego! Huwag ka sabing aamin!” dikdik ni Mayor John. “Walang direct evidence na magtuturong tayo nga ang yumari sa mga babaing ‘yon! Huwag tayong basta mayanig!”

Napabuntunghininga si Macario Montalvo, pinuno ng angkan. “Dapat,  namatay na ako bago nangyari ito. Ayokong masaksihan ang pagkawasak ng pangalan ng ating angkan.”

 “Ang curse ng pamilyang ito—parepareho ta­yong hayok sa laman! Kasumpa-sumpang mula sa nuno at apo ay hindi natin mapigil ang kriminal na pagnanasa sa babae!” himutok ni Ex-Mayor Eric.

Sa  police headquarters, takang-taka ang mga imbestigador. “Paanong nakatakas si Miss Dolores? Walang palatandaang nabuksan niya ang dalawang kandado nitong detention cell…”

“Anyway, siya naman ay iki-clear na nga sana natin. Wala na siyang pananagutan sa pagpatay niya kina Hepe. Siya pa nga ang naagrabyadong biktima ng rape, e.”

“Sarge, naiwan pala ang damit niya rito! Pati bra at panties!”

Lalong naintriga ang mga imbestigador. “Ang alam natin, walang dalang anumang gamit o damit si Miss Dolores…”

NAKARATING kina Miss Santos at Paolo ang pagkawala ni Dolores. Napapai­ling ang dalawa.  Alam nila kung gaano kamisteryosa ng dalaga.

“Sir Paolo, dapat ay makausap natin si Dolores. Alam kong masamang-masama ang loob niya sa atin. May gusto siya sa iyo.”

“Miss Santos, hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Walang nakakikilala sa kanya sa palibot ng Camachile Lake.”

NANG gabing iyon, si Dolores ay naglalakad na naman sa dalampasigan ng lawa. Wala siyang damit pero nakangiti. “Malapit nang mahuli ang mga kriminal…” (DALAWANG LABAS!)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ALAM

CAMACHILE LAKE.

ERIC MONTALVO

MISS DOLORES

MISS SANTOS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with