^

Para Malibang

Naghahabol ng suporta

IDAING MO KAY VANESSA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Viki, single mother at may 2-year old daughter sa boyfriend ko na iniwan ako ng ako’y mabuntis.

Talagang huli na ang pagsisisi.

Noon ay ipinangako ko na babalikatin kong mag-isa ang pagpapalaki sa bata at hindi ako hihingi ng suporta sa ex ko. Pero nararamdaman kong hindi

ko na ito kaya.

Hindi naman kalakihan ang sahod ko sa trabaho at kahit nakatira kaming mag-ina sa magulang ko, hindi naman sila ganoon kaluwag.

Sinibukan kong lumapit sa ex ko pero tinanggihan niya ako.

Noon pa man ay ayaw niyang kilalanin ang aking anak dahil ng magka-break kami ay nagka-bf ako pero naghiwalay din kami agad at saka kami nagbalikan. Patunayan ko raw na siya ang ama, bakasakali pang kilalanin niya ang bata. Puwede ko ba siyang idemanda para makahingi ng suporta?

Dear Viki,

 Bilang ama, tala gang obligasyon niyang suportahan ang kanyang anak sa iyo.

Maaring nagdadahilan lang ang ex mo para makaiwas sa responsibilidad sa bata.

Ang mga lalaking tulad niya ay walang kuwenta.

Kung gusto mo, may DNA test para mapatunayang siya ang ama ng

iyong anak.

Pero gagastos ka ng malaki.

Subukan mo muna siyang kausapin nang maayos at baka makumbinsi siya. Kung hindi, saka ka na gumawa ng legal option.

Sa parteng yan, ang dapat mong hingan ng payo ay isang abogado.

Sumasaiyo,

Vanezza

BILANG

DEAR VANEZZA

DEAR VIKI

PATUNAYAN

PERO

PUWEDE

SINIBUKAN

SUBUKAN

SUMASAIYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with