^

Para Malibang

Ghost Lake (28)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KAYLAKAS ng sigaw ng hepe at ng dalawang tauhang katu­long sa pag-rape kay Dolores. Hindi nila mapaniwalaang naging bungo ang mukha ng napakagandang dalaga.

“Yaaahhh!”

Bumangon si Dolores, iginalaw-galaw ang ulong bungo, palapit sa tatlong manyakis.

“H-hepe, y-yari tayo…” Naihi sa takot ang isang kasama; ang isa pa ay nanginig ang buong katauhan. “H-hindi na po uulit, mam…”

Nakabawi ng hinahon ang hepe. Pinutukan ng baril ang ‘bangungot’.

Bang-bang-bang.

Sa ulo tumama ang tatlong bala. Nagkabutas-butas ang bungo ni Dolores, nagkabasag-basag.

Pero buhay pa rin ang seksing babae. “Itu­loy n’yo ang ligaya…magpakasarap kayo sa nalalabing minuto ng inyong buhay…”

Pati tinig ni Dolores ay nakakikilabot—bahaw, parang nanggagaling sa banga. “Halina, mga buhong…”

Bago pa nakatakbo ang hepe ay nadakma na ito ni Dolores sa leeg. Napilipit agad iyon.  Naglagutukan ang buto sa ugpungan. Kre-e-e-ek.

Lawit ang dila, luwa ang mata ng hepe. Kaylagim ng kamatayan nito na nasaksihan ng dalawa pang manyak.

Nag-iyakan ang mga ito, alam na sila na ang isusunod.

Nagsiluhod ang dalawa sa harap ni Dolores, nagmamakaawa sa babaing bungo ang ulo at mukha.

“N-natukso lang po ako, mam…dati po akong altar boy…”

“Ako naman po, madam, dinidiyeta ng misis ko. Titiisin ko na lang po…p-patawad na po…”

Ang bungo ni Dolores ang humampas sa ulo ng isa. Praaakk.

Nabiyak ang ulo ng lalaki, nagkikisay.

Ang pangalawang manyak—‘hinalikan’ ng bungo sa mga labi; sinipsip ang lahat ng hininga nito. Sluurrp.

Nagkikisay rin ito sa harap ni Dolores.

NARIRINIG nina Paolo at Miss Santos ang ingay sa labas ng kubo; duda nila’y nahalay na si Dolores saka pinatay.

“Hu-hu-hu-huuu… Sir Paolo, ayokong maluray sa kamay nina Hepe…pero ayokong mamatay na virgin…”

“Miss Santos, ano’ng ibig mong sabihin?” (ITUTULOY)

vuukle comment

BUMANGON

BUNGO

DOLORES

HALINA

HELLIP

HEPE

MISS SANTOS

SIR PAOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with