‘Myths’ at ‘Facts’ sa constipation (4)
Fact: Nakapagdudulot ng constipation ang pagbabakasyon
Ang pagbibiyahe ay nakapagpapabago sa arawang routine at diet, na ayon sa mga expert ay nakapagdudulot ng constipation. Iwasan ang dehydration-related constipation gaya ng pag-inom ng tubig, lalo na kung ang pagta-travel ay sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano. Makakatulong para dito ang paggagalaw-galaw, halimbawa habang naghihintay sa eroplano ay maglakad-lakad o kaya’y kapag nagmamaneho, huminto muna. Iba pang travel tips: sikapin na makapag-exercise, limitahan ang pagkonsumo ng alcohol at kumain ng mga prutas at gulay.
Fact: Nakakaapekto ang mood sa regularity ng pagdumi
Ayon sa mga expert, nakapagti-trigger ng constipation ang depression o maaaring mas malala pa rito. Makakatulong ang pagme-meditate para mabawasan ang stress, pagyo-yoga, biofeedback at relaxation techniques. Gayun din ang acupressure o shiatsu massage. Ang pagmamasahe ng sikmura ay makakatulong para ma-relax ang muscles at masuportahan ang intestine at maikondisyon ang regular na pagdumi.
Fact: Maaaring magdulot ng constipation ang isinasagawang medikasyon
May ilang medikasyon gaya ng para sa sakit, depression, high blood pressure at Parkinson’s disease ay iniuugnay sa constipation. Ang sobrang calcium at iron ay maaari rin makapagdulot ng constipation. Ang calcium supplements, lalo na kung iniinom ito kasama ng iba pang supplement o medikasyon ay maaaring makaapekto sa pagdumi, makapagdudulot din ito ng problema. (Itutuloy)
- Latest