^

Para Malibang

Iwas uti

Pang-masa

Isa sa mga impeksiyon  na karaniwang nakukuha ng mga kababaihan ay ang Urinary Tract Infection.  Ang karaniwang ihi ay wala naman taglay na bacteria, ngunit ito ay nananatili sa rectal area ng vagina kung hindi mahuhugasan. Dahil dito ay mabilis na kakapit ang bacteria sa rectal area at aakyat sa loob ng iyong kidney. Ito ay ang tinatawag na “pyelonephritis develops”.  Ngunit ang impeksiyong ito ay maaari naman iwasan. Narito ang ilang paraan:

“Cotton underwears” -  Mas mainam kung ang ginagamit mong underwear ay cotton dahil mas absorbent ito sa pawis at natitirang ihi kung hindi gumagamit ng panty liner. Huwag gumamit ng underwear na madumi. Labhan ito araw-araw at  tiyaking malinis bago isuot muli.

Paggamit ng “antiseptic” -  Ayon sa  payo ng doctor, hindi mo naman kailangan na gumamit ng tubig na may halong antiseptic araw-araw, ang tubig ay sapat na, basta  palagian lang gawin ang paghuhugas.   Pinapatay kasi ng antiseptics ang karaniwang bacteria sa balat ng vagina, ngunit kung lagi itong gagawin, posibleng magdulot ito ng allergy sa iyong kaselanan.

Tubig – Wala ng ibang mahusay na gamot sa anumang uri ng sakit na dulot ng bacteria kundi ang tubig. Nililinis kasi nito  ang buong katawan para mailabas ang anumang toxic waste sa loob nito.  Mabisa din ang pag-inom ng sabaw ng buko.

Maaari din agad malaman na mayroon kang UTI  kung nakakaramdam ka ng  hapdi sa pag-ihi, sunod-sunod na pag-ihi at hindi mo ito mapigilan, nananakit ang puson, nilalagnat at nilalamig. Nahihilo at nagsusuka.  Sa mga lalaki, mahalaga na sila ay natuli dahil nakakatulong ito para maiwasan ang UTI, Sexually Transmitted Disease at Cancer.

Gayunman, kung magkakaroon ng UTI, hindi naman dapat itong pangambahan dahil nagagamot ito ng antibiotic at kung magagamot ng tama.  Kung susundin ang mga nabanggit sa itaas maaari itong maiwasan.

AYON

DAHIL

GAYUNMAN

HUWAG

ISA

KUNG

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASE

URINARY TRACT INFECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with