^

Para Malibang

GHOST LAKE (24)

Pang-masa

NAPALINGON sa lawa ang masamang hepe, nabuhay ang takot. Naalala nito ang nagluluta­ngang kabaong. “Dalian n’yo, nagwawala na naman ang mga impakto sa dagat!”          

Naisakay na ng dalawang tauhan sina Paolo at Miss Santos sa van. Wala pa ring malay-tao ang dalawa.

Si Dolores na may busal sa bibig ay pahilang isinakay din. Napakatalim ng tingin ni Dolores sa mga nakamaskarang masasamang loob.

Bruuuummm. Mabilis nang palayo sa lake ang sasakyan.

Ang Camachile Lake ay ayaw matahimik. Kakaiba ang hugong nito. Nagbabanta ng galit. Wuuunng.

May mga mangingisda sa laot. Kahit laganap na ang balita ng lumulutang na mga kabaong, ang paghahanapbuhay ay ayaw nilang isakripis­yo;  naniniwala silang hindi gagalawin ng mga nagmumulto.

Hindi sa munisipyo dinala ng hepe ang tatlong bihag. Nagising sina Miss Santos at Paolo na nasa loob ng kubo.

“Dolores,  nasaan na tayo?”

“Hinalay na ba tayo, Dolores?” magkasunod na tanong nina Paolo at Miss Santos. Nakatali sila sa mga lumang silya.

Umiling ang misteryosang kaibigan ni Paolo. “Hindi pa, miss. Kumakain sina Hepe. Mayamaya pa tayo pagsasamantalahan.”

Napahagulhol ang magandang reporter. “Oh my God, ayokong madungisan! Magpapakamatay na lang ako!”

“Papatayin ka rin nila, pati na ‘tong si Paolo.”

“Hu-hu-hu-huuu! Kawawa ang boyfriend ko! Hindi ko ipinagkaloob sa kanya ang aking virginity!”

Tiim-bagang sa galit si Paolo. “Dolores, dapat nang masugpo sina Hepe. Sagad na ang katarantaduhan nila.”

“Wala nang makapipigil sa paglabas ng katotohanan, Paolo. Kung puwede nga lang bang iligtas ko  kayo ni Miss Santos sa kamatayan…”

“Bakit kami ni Paolo lang ang papatayin, Dolores?”

“Wala nang ibang mapapatay…” makahulugang sagot ni Dolores.

Kinilabutan sina Miss Santos at Paolo. May ipinahihiwatig si Dolores, alam nila.

“Paolo, ibig ba niyang sabihi’y isa na siyang--?”

“Ewan ko, Miss Santos. Noon pa ako nahihiwagaan sa kanya?” bulungan ng dalawa.  (ITUTULOY)

ANG CAMACHILE LAKE

DOLORES

HEPE

MISS

MISS SANTOS

PAOLO

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with