^

Para Malibang

‘Myth’ at ‘Facts’ sa ‘constipation’

HEALTH CORNER - Pang-masa

Myth: Ang constipation ay nangangahulugan lamang na, kailangan ng isang tao ng mas maraming fiber:

Ang pagpapataas ng fiber sa diet ay kadalasang nakakatulong sa mga dumaranas ng constipation. Pero ang mga palatandaan sa pagkakaroon ng chronic constipation ay talagang problema. Ayon sa mga health care expert, maaaring sanhi ito ng mahinang thyroid gland o pagkakaroon ng diabetes. Maaari rin namang resulta ng Parkinson’s disease o stroke, o posibleng bilang side effect ng pinagdaraanang medikasyon. Sa iilang kaso, maaaring palatandaan ito ng mga sakit gaya ng colorectal cancer o autoimmune disease. Mahalaga na makipagkita sa inyong pinagkakatiwalaang doctor kapag tumagal ng mahigit sa dalawang linggo ang mga sintomas o maobserbahan ang pagkakaroon ng dugo sa inyong dumi, matinding pananakit sa panahon ng pagdumi o dumanas ng hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang.

Fact:  Makapagdudulot ng constipation ang dairy:

Kung ikaw ay lactose intolerant o mahina ang panunaw sa mga pagkain na may lactose gaya ng dairy products, maaaring magdulot ito ng constipation. Ilang pag-aaral ang nag-uugnay ng constiation sa mga batang lactose intolerance. Karamihan sa mga taong lactose intolerant ay pwedeng kumain ng kahit maiit na bahagi ng dairy products araw-araw. Makaipag-ugnayan sa inyong pinagkakatiwalaang doctor kung kabilang ka sa maaaring mag-constipate kahit sa katiting lamang na dairy.

Fact: Ang paglunok ng gum ay maaaring magdulot ng pagbabara:

Ayon sa mga expert, totoo ito. Pero sa bibihira lamang ang mga kasong nito at kadalasan sa mga paslit lamang, na wala ang muwang kundi lumunok ng gum. Kung minsan, ang paglunok ng malaking bahagi ng gum o maraming piraso nito sa maikling pagitan ay  maaaring magbuo ng mass na magdudulot ng pagbabara sa digestive tract, lalo na kung malulunok mo ito kasama ang iba pang indigestible things. Ang pagbabarang ito ay magdudulot ng constipation. Pero sa maraming kaso, ang bahaging hindi natunaw sa gum ay sumasam sa dumi at nailalabas sa katawan gaya ng iba pang pagkain. Kaya naman ang minsanang pagkakalunok ng gum ay hindi magbabanta ng panganib sa katawan.

AYON

CONSTIPATION

ILANG

KARAMIHAN

KAYA

MAAARI

MAAARING

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->