^

Para Malibang

Ghost Lake (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAMANGHA si Miss Santos nang malamang mag-aalis ng damit bago makasisid sa ilalim ng Camachile Lake. “Puro tayo maghuhubad?”

 Tumango sa magandang reporter si Dolores. “Ikaw, ako, at itong si Paolo. Makatatagal tayo sa pusod ng lawa kung walang anumang damit.”

 Lalong namangha ang lady reporter. “Wala kahit man lang bra and panties?  Totally naked…?”

 Muling tumango si Dolores. Si Paolo ay naiilang sa usapan.   “Sir Paolo…?” Naghahanap ng kumpirmasyon ang dalaga.  “Miss Santos, totoong nakatagal kami ni Dolores sa ilalim ng dagat for 30 minutes—at wala kaming damit, wala ring oxygen tank.”  “But this is ridiculous. Ipagpalagay nang sumisid tayo nang naked, paano tayo makakakita sa ilalim e gabi na?”

  “Miss Santos, tinitiyak kong makakakita tayo sa ilalim. Meron kang sampung segundo para magpasya,” matatag na sabi ni Dolores.

“P-Pero…makikitaan ako ni Sir Paolo…oh my gosh…”  “Wala siyang malisya. Maginoo si Paolo.”

 “S-Sir Paolo…?” Kung totoo raw na hindi magkakamalisya ang binatang makabayan.

 Napalunok si Paolo. Nalimutan na ba ni Dolores na nais niya itong galawin that night na sila ay naghubad? Ngayo’y dalawa pang dalaga ang maghuhubad sa kanyang presencia?

 “Sir Paolo, sabihin mong wala kang malisya at maniniwala ako.”

Napasagot ang binata. “O-oo naman, wala akong m-malisya. K-katotohanan lang ang hangad nating matuklasan, Miss Santos.”

  “Kung gayo’y pa­yag ka na, Miss Santos?” tanong ni Dolores.

“Oo, pero kaila­ngang si Sir Paolo ang nasa unahan habang sumisisid tayong tatlo. At least ay makatitiyak akong hindi niya ako masisilipan.”  “A-at ako naman ang pagpi­pistahan ninyo ng mata?” naiilang na tanong ni Paolo.

 “Wala rin kaming malisya,” sabay pang sabi ng dalawang dalaga.  Sa dilim ng gabi ay nagsipaghubad sila.

Piping saksi ang nag­liliparang panggabing ibon. Twit-twit-twiit.

Saglit pa’y nasa ilalim na ng tubig ang tatlong hubo’t hubad na katauhan ng mundo.(ITUTULOY)

CAMACHILE LAKE.

MISS SANTOS

PAOLO

S-SIR PAOLO

SI PAOLO

SIR PAOLO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with