^

Pang Movies

Brent, bibinyagan sa teatro!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Brent, bibinyagan sa teatro!
Brent

Mas marami pang oportunidad ang dumarating kay Brent Manalo para mahasa at maipakita ang kanyang kakayahan sa pag-arte ngayong magde-debut siya sa entablado sa pinakabagong Teatro Kapamilya production na The Art of Breaking Up, na tampok din sina Nikki Valdez, Janella Salvador, Jake Cuenca, Jameson Blake, at iba pa. “It’s been a really good year. Meron na akong teatro. Tapos meron din show sa iWant, Half-Sisters. Tapos marami pang proyekto na hindi ko pa puwedeng i-announce pero within this year din ‘yun. I’m very excited to share that,” sey niya.

Inamin ng 28-year-old actor na hindi malilimutan ang pagkakataong makadalo sa isang acting workshop kasama ang isang Oscars at Golden Globe winning American actress na nakatulong sa paghahanda niya para sa kanyang theater debut. May time na nung March or May nag-one week workshop ako with an Oscar winner, si Melissa Leo. I learned a lot there,” sey ng Kapamilya Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood si Brent sa The Art of Breaking Up mula Nov. 6 hanggang Dec. 6, 2026, sa PETA Theater Center sa Quezon City.

Carmelle, may pangako pagkatapos ng Eurovision

Lubos na pinasalamatan ni Carmelle Collado si Vice Ganda sa pagtulong sa kanya na magtagumpay sa Eurovision Song Contest Asia 2026.

Sa kanyang homecoming appearance sa It’s Showtime last Nov. 18, kung saan inawit niya ang winning piece niyang Sobra-Sobra, sinabi ni Carmelle na si Vice ang nagturo sa kanya kung paano maglakad at dalhin ang sarili sa stage.

Binalikan din niya ang kanyang makasaysayang panalo bilang kauna-unahang nanalo sa Eurovision Asia, at inamin na naging challenging ang laban dahil sa magagaling na kalaban.

Nangako siyang patuloy na mangangarap at gagawa ng sariling kanta, at magkakaroon siya ng concert sa January 2027.

Anne Hathaway, ipinasyal na ang baby no. 3

Winelcome nina Anne Hathaway at asawang si Adam Shulman ang kanilang ikatlong anak.

Noong Martes, Nov. 17, nakunan ng litrato si Hathaway sa New York City na may kargang newborn sa baby carrier.

Kinumpirma ng People ang balita, pero hindi pa ibinahagi ang pangalan, kasarian at eksaktong birth date ng sanggol.

Mag-asawa na sina Hathaway at Shulman simula 2012 at magulang na sila ng dalawang lalaki na sina Jonathan (10) at Jack (7). Pribado nilang pinapalaki ang kanilang mga anak.

Kahit buntis, naging abala si Hathaway ngayong 2026 na may limang pelikulang inilabas: Mother Mary, The Devil Wears Prada 2, The Odyssey, The End of Oak Street at Verity.

BRENT MANALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with