Dennis, may pasaring kay Xian?!

Hindi na kailangan ng caption ni Dennis Trillo sa post niya sa Facebook (FB) kasama si Alden Richards. Hashtag lang ang pinost ni Dennis “#MagingMabutingTao #Aldenatics.”
Mabilis ang reaction ng fans at followers ni Dennis sa Facebook, nagpasalamat ang fans ni Alden kay Dennis at may nag-comment ng “A picture is worth a thousand words.” Sinundan ng “Hardworking actors pareho sila kaya success sila at a young age, millionaires na at pareho pa rin mabait humble at marespeto.” At ang nakakaaliw na comment na “Ayan na naman si Dennis ganyan-ganyan lang pero madaming baon na bag.”
May comment din na tiyak, magpapatawa kay Dennis. “Bagay din kay Dennis maging entertainment reporter kasi may credibility and he has a good judgments and insights” at “Ayan na si Papa Dennis Trillo ang tagapagtanggol ng kalawakan.”
May nag-comment pa na patama ni Dennis ang hashtag niyang #MagingMabutingTao sa lahat ng masamang tao at kabilang daw si Xian Gaza.
Anyway, nagkasama sina Dennis at Alden sa Maria Clara at Ibarra at kahit naman hindi magkatrabaho ang dalawa, magkaibigan sila. Malaking suporta na kay Alden itong FB post ni Dennis.
Kris, sinupalpal ang basher ni Bimby!
Sinagot ni Kris Aquino ang isa na namang walang magawang basher na gusto lang magkaroon ng engagement. Nag-post ito ng “Saan na tong boyfriend ni bim2” at ang kasamang photo sa post nito ay magkayakap sina Kris at Bimb.
Sagot ni Kris, “Whatever sexual preference my son will choose i will be supportive but because i have so many gay friends i know he’s not- 1.He refuses to spend more than P20K on clothes 2. He’s not brand conscious 3. He practices Mixed Martial Arts-we have never shared pics or videos because maraming siga na baka biglang hamunin sya, kung upakan ni bimb even just to defend himself, kami ang masama 4. He loves firing (always with a licensed adult-at 21 he can apply for his own gun owner’s license 5. Idiotic comments he can ignore, obviously his mom cannot. And that’s why sinagot kita.”
Ayan, wala na sigurong masabi si basher, nanahimik. Ang bilis kasing sinupalpal ni Kris. Kung bakit kasi lahat na lang napapansin. Sabi ni Kris, hindi sinasagot ni Bimby ang mga ganitong walang saysay na comment, but we still love what Bimby have to say. Sana for once, patulan niya ang mga ganitong comment.
Mikee at Robbie, lutang ang chemistry!
Mabubulabog nito ang Bahay ni Kuya kapag pumasok ang sinasabing first house guests sa Pinoy Big Brother Collab 3.0. Binanggit sina Darren Espanto, Inigo Pascual, Emilio Daez, Kyle Echarri, River Joseph at Piolo Pascual bilang unang guests.
Hindi nabanggit kung sabay-sabay papasok ang mga nabanggit o kung isa-sa o baka dalawang sabay ang papasok sa Bahay ni Kuya. Kung sabay-sabay sila, imagine the chaos na dala nila?
Magugulo ang girls, lalo na ‘yung may mga crush kay Piolo dahil hindi lang nila makakasama sa loob ng Bahay ni Kuya ang aktor, makakausap pa nila. Baka nga makasabay pa nilang kumain.
Abangan natin ang mangyayari at mga eksena kapag nasa loob na ng Bahay ni Kuya ang mga nabanggit, lalo na kapag si Piolo na ang pumasok.
Anyway, nakadagdag sa pinag-uusapan sa PBB sa loob ng Bahay ni Kuya ang chemistry nina Mikee Quintos at Robbie Jaworski. May mga kinikilig sa kanila at hindi lang maka-all-out sa kilig dahil may GF si Robbie.
- Latest























