^

Pang Movies

Randy, inoperahan ulit sa mata

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Randy, inoperahan ulit sa mata

Sumailalim sa cataract surgery sa kanang mata ang veteran OPM singer na si Randy Santiago, isang taon matapos sumailalim sa kaparehong operasyon sa kaliwang mata.

Nagbigay si Randy ng update sa social media kung saan nag-post siya ng mga larawan bago at pagkatapos ng operasyon at nagpasalamat sa kanyang doktor at sa medical team ng UST Hospital para sa aniya’y maayos at mabilis na operasyon.

 “After a year from my first cataract surgery on my left eye, I had my right eye done this time,” caption ng 65-year-old singer.

Wala pang bagong update si Randy tungkol sa kanyang recovery.

Dating member ng bandang Cicada, nakilala siya bilang Mr. Shades dahil sa signature dark shades na lagi niyang suot noong sumikat siya sa noontime show na Lunch Date noong 1986.

Naging host din siya ng sarili niyang late-night talk show na Shades in 1987.

Mga naging hit singles niya ay Hindi Magbabago, Babaero, Para Sa ‘Yo, Naglalambing, Yakap Yakap and Paikot-ikot.

Miss U PH 2026, pinaghandaan ang paglaban sa Puerto Rico

Excited si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski na dalhin ang diwang Pilipino sa Puerto Rico, kung saan kakatawanin niya ang bansa sa Miss Universe pageant sa Nov. 25.

Kamakailan ay nag-film si Millan-Windorski ng isang promotional video para sa Miss Universe Philippines bago tumulak papuntang Puerto Rico.

Habang nagpapatuloy ang kanyang paghahanda, sinabi ni Bea na ramdam na ramdam niya ang suporta ng mga Pilipino — bagay na nagpapakita sa diwang “bayanihan” ng bansa. “I’ve been really feeling the Bayanihan spirit in the lead up to Puerto Rico, and I’m really excited to show the best of what the Philippines has to offer.

“I’m proudly representing the beautiful islands of the Philippines in Puerto Rico this coming Nov. 25,” bahagi ng sey ni Bea sabay pasasalamat sa mga designer and pasarela coaches na tumulong sa kanya.

Miss U Jamaica na nagka-brain damage, kinasuhan ang Miss U org!

Nagsampa ng kaso ang dating Miss Universe Jamaica na si Gabrielle Henry laban sa Miss Universe Organization, kung saan inaakusahan niya ang mga ito ng kapabayaan at hindi ligtas na kondisyon na naging dahilan ng kanyang pagkahulog sa 2025 Miss Universe competition.

Ayon sa isinampang demanda, nagtamo si Henry ng matinding pinsala sa utak na naging dahilan para hindi na niya maipagpatuloy ang kanyang medical residency, bukod pa sa iba pang nawalang kita at oportunidad sa kanyang medical career.

Inaakusahan ni Henry ang Miss Universe Organization at iba pa na nabigong tiyakin ang kaligtasan sa entablado at binalewala umano ang mga naunang reklamo ng iba pang kandidata.

Sa naturang lawsuit, filed on Sept. 21 in Delaware Superior Court, nakalagay doon ang five claims against the defendants, including negligence; premises liability; negligent hiring, retention and supervision; and both negligent and intentional infliction of emotional distress.

Nagtamo ng “traumatic brain injury with acute subarachnoid hemorrhage, frontal lobe hemorrhagic contusion, and subdural hemorrhage” si Henry at naospital siya mula Nov. 19 to Dec. 10, 2025.

RANDY SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with