^

Pang Movies

Sarah, hinay-hinay muna!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sarah, hinay-hinay muna!
Sarah

Nakakatuwa ang fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil pati ad campaign ni Sarah for Belo Essentials, inisip na announcement na ng pregnancy ng misis ni Matteo.

Kasi naman, ang ganda ng ad campaign at tungkol sa slowing down. “It’s okay to slow down and pause every now and then. I’ve realized that some days I’m not meant to do more, and that’s okay. I’m learning to treasure those slow, quiet moments and give myself permission to breathe and rest,” bahagi ito ng nasabing campaign.

Hindi agad nabasa ng fans ang kabuuan ng post ni Sarah at inakalang kaya siya mag-i-slow down dahil buntis na. Kaya ayun, kinukulit nila si Sarah na i-announce na kung preggy siya para mag-celebrate na raw sila.

Janus, sinagot na naman si Sen. Robin!

Binanatan na naman ni Janus del Prado si Sen. Robin Padilla, nag-comment ito sa pahayag ng senador na “Mga kababayan. Wala na po akong planong tumakbo sa pulitika. Maliit pa ang aking mga anak, at isang tahimik na buhay-Islami ang aking pinapangarap at minimithi. Ang aking mga kandidato para sa bise presidente ni Madame Vice President ay sina:”

Binanggit ni Robin sina Alan Peter Cayetano, Imee Marcos, Bong Go, Ronald dela Rosa, Rodante Marcoleta at Salvador Panelo.

“Sila po ang nais ko na pagpilian ninyo upang maging katandem ni Inday Sara. Maraming salamat po sa napakaraming kaibigan na nagtutulak sa aking pananatili sa pulitika, pero halata naman po na hindi na ako nababagay sa mundong ito.

“Revolutionaries do not sit on thrones; they tear them down.”

Heto ang reaksyon ni Janus sa pahayag ni Robin: “Yung nag-announce na hindi na tatakbo bilang VP ay malamang, Plan B nila ‘yan for President sa 2028 kapag na-impeach si VPSD.

“Dadaanin na naman ang mga Pilipino sa kasikatan imbes na sa kakayahan at kwalipikasyon ng isang kandidato na mamuno at tumulong na ayusin ang bansa natin.

“Sana mali ako. Kaya bumoto ng tama. Wag maging 8080tante.

“Dahil damay-damay nanaman tayo sa “hirap at walang ginhawa “for six years kapag hindi na naman capable at qualified ang inupo natin sa puwesto.”

Maaalalang nauna nang kinontra ni Janus ang post ni Robin tungkol sa Netflix kung saan, sinisi ang streaming platform sa nangyayaring krimen sa mga kabataan. Sabi kasi ni Robin, naiimpluwensiyahan ang kabataan sa napapanood sa Netflix, bagay na tinutulan ni Janus. Marami ang nag-agree kay Janus sa argumento nito na hindi kasalanan ng nasabing streaming platform.

Actually, nakakarami na ng rebuttal kay Robin si Janus, hindi lang yata nakakarating sa aktor/senador.

Kakai, may pasaring sa Pax Silica!

Wala pang nagre-react sa mga ayaw magkaroon ng Pax Silica sa Pilipinas sa pahayag ni Kakai Bautista.

Ang daming celebrity na nagpahayag ng pagtutol, kagaya ni Romnick Sarmenta, pero wala pang nag-react kay Kakai.

Direct to the point ang post ni Kakai na “Kaya naman ayaw nyo sa PAX SILICA tapos panay naman ang Post nyo ng AI. Huy naman. Ok naman siguro isa, pero araw araw? Huy.

“Magdecide naman kayo kung kaya ipractice ang pini-preach guys. Ha?”

Agad sinundan ni KaKai ang kanyang post ng “Pag mahina sa reading comprehension wag nang mag comment ha?

“Please. Hirap eh. Nakakapagod mag-explain. Thank you guysh!”

Ang daming nag-agree sa post na ito ni Kakai, at may nagpaalala rin sa kanya na maka-cancel siya ng mga ayaw sa Pax Silica.

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with