Vice, nabugbog sa memerimar!

Bakasyon muna
Pansamantalang nakabakasyon ngayon si Vice Ganda at hindi na nga muna napapanood sa It’s Showtime.
Ito ay matapos ang pagpapatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa producers ng nasabing noontime show kaugnay ng umano’y “insensitive” at “offensive” joke niya sa kanilang skit na Memerimar noong Hulyo 24.
Sa latest episode ng Showbiz Update vlog ay kinumpirma ni Ogie Diaz na one week na nakabakasyon si Vice upang makapagpahinga muna. “Ang alam ko, parang one week yata siyang magbabakasyon. Kumbaga, pahinga lang. Kung ako manager ni Vice, ‘yon din ang sasabihin ko sa kanya. ‘Pahinga ka muna, one week lang, para mag-recharge ka ulit, para magmuni-muni,’” sey ni Ogie.
Aniya pa, masyado raw nabugbog si Vice ng netizens kaugnay nga ng ginawa nito sa Memerimar skit kung saan ay katakut-takot na bashings talaga ang inabot ng TV host/comedian. “Talaga namang ‘yung iba, binabalik ‘yung mga nakaraan, kay Vice, ‘yung mga pang-ookray ni Vice,” sey ni Ogie.
“Kahit ako, malulungkot, eh, kung ako si Vice, na nakikita, nababasa ko ‘yon, malulungkot ako, eh,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Ogie, feeling niya ay may kinalaman din ang pagpapatawag ng MTRCB sa It’s Showtime people sa pagbabakasyon ni Vice.
Matatandaang hindi nagustuhan ng netizens ang ginawa ni Vice sa Memerimar skit kung saan ay binugahan niya ng tubig sa mukha si Johaira Moris na miyembro ng It’s Showtime girl group na Baby Dolls.
Pagkabuga ng tubig sa mukha ni Johaira, tinanong siya ni Vice, “Anong nangyari sa’yo? Bakit nagputik ka?”
Dahil dito ay kinalampag ng netizens ang MTRCB dahil nagpakita umano ng racism ang show.
Hindi rin naging maganda ang dating sa viewers ng eksenang pinakain ni Ion Perez ng lugaw si Vice at anila ay hindi raw ito appropriate para sa isang family show.
Kim, pinatunayang walang baby sa tummy!
Sa gitna ng pregnancy issue kay Kim Chiu, nagbahagi ang aktres sa social media ng kanyang workout video na tila sagot niya sa tsikang ipinupukol sa kanya ngayon.
Sa video na ipinost ni Kimmy sa kanyang Facebook (FB) page ay makikitang nasa isang gym siya at tina-try na i-lift ang isang mabigat na barbell sa pamamagitan ng lubid.
Wala namang inilagay na anumang caption ang aktres pero hinala ng netizens, ibinahagi nito ang workout video bilang pagtanggi sa kumakalat na tsismis ngayon na buntis siya.
Pero mukhang hindi kumbinsido ang netizens dahil hinala nila, old video ang pinost ni Kimmy.
“Old video to kimmy hwag kami hahaha halata na bby bump mo,” komento ng isang FB user.
“Its ok kimmy khit di ka mag pretend happy kya kmi kung totoo buntis ka,” sey ng isa pa.
“Sunog na naman mga delulu. Hehehe. Pasong paso,” post naman ng isa pang netizen.
Matatandaang nagsimula ang preggy issue kay Kim nang mapansin ng netizens na tila may ‘baby bump’ ang aktres sa ilang latest photos and videos nito. Kaya ang tanong nila ay kung nagdadalang-tao ba si Kim courtesy of Paulo Avelino.
Pero kaagad namang ipinagtanggol ng kanyang mga tagahanga ang aktres at sey nila, sobrang busy ng schedule ng KimPau at sunud-sunod ang trabaho kaya hindi raw true ang tsika.
May nagsabi pang imposible sa ngayon ang mabuntis si Kim dahil wala pa ito sa plano ng aktres at ipinaalala pa nila ang pagbubuking ni Bela Padilla na nagpa-freeze ng eggs si Kimmy for future plans of having a baby at hindi pa sa ngayon.
Well, kung kami naman ang tatanungin, hindi rin kami naniniwala na preggy si Kim dahil mukhang wala naman sa karakter niya ang magbuntis out of wedlock.
Besides, ni hindi pa nga sila umaamin ni Paulo na sila na, ‘no!
- Latest






















