^

Pang Movies

Bukol ni Anne, lumaki na naman?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bukol ni Anne, lumaki na naman?!
Anne

Pinag-alala na naman ni Anne Curtis ang kanyang fans sa paglabas ng photo sa launching ng business collab nila ni Bea Alonzo.

Sa photos, napansin na naman nila ang leeg ni Anne na medyo malaki.

May nagtanong ng “Pinapagamot na ba ni Anne ang thyroid niya?” na para bang siguradong may problema sa kanyang thyroid ang aktres. Sinundan pa ng comment na “Kahit pinapagamot ang thyroid may enlargement pa din talaga sa may bandang neck.”

Una nang napansin ang neck ni Anne a few weeks ago habang nasa isang fashion event siya abroad at muling napansin ngayon.

Siguro naman, nakarating na kay Anne ang concern ng kanyang fans sa kanyang health at siguro naman, nagpa-checkup na ito. We have nothing to worry.

Elijah, pinagpalit si Miles kay Thea?!

Nagtatanong ang netizens kung sina Thea Astley at Elijah Canlas na ba ang new couple at kung break na ba sina Elijah at Miles Ocampo?

Dahil ito sa lumabas na photos nina Elijah at Thea na magkasama at tila naggu-grocery.

Hindi lang ‘yun ang napansin ng netizens, napansin din na magka-holding hands ang dalawa at kung wala silang relasyon, hindi raw sila magho-holding hands. Pareho ring nakasuot ng dark glasses ang dalawa, pero hindi sila nagtatago dahil sa isang public place sila pumunta.

Makikita sa photos na may egg trays, may vegetables at fruit sa kanilang likod kaya ang feeling ng netizens, nag-grocery sila. May nag-comment na akala niya okay ang relasyon nina Elijah at Miles after mabalitang sila’y nagkabalikan.

Comment pa na “Elijah and his new girl? Hiwalay na ba sila ni Miles Ocampo? Please enlighten me, kasi hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang ay sila pa din tsaka di ba mahal na mahal ni Elijah si Miles? What happened kaya? OMG!”

Comment pa na “OMG sila na,” “What? Akala ko okee na sila ni Miles Ocampo,” at “Ibang klase tong si Elijah. Di naman super kagwapuhn pero daming girls. Interesting kasi siya, matalino at malakas ang appeal.”

Wala pang nakakapag-interview kina Thea at Elijah, wait natin na may mag-interview sa kanila para malaman ang real score sa kanila. Para rin malaman kung break na sina Miles at Elijah para makaiwas sa bashing si Thea at akusahang boyfriend grabber.

WilBea, kinabog ang ibang loveteam!

Ang lakas at ang daming fans nina Bea Binene at Wilbert Ross at suportado sila ng fans. Kahit saan sila magpunta, nakasunod ang fans at hindi hinahayaang mabokya sila sa palakpakan at sigawan.

Comment ng isang reporter, pagdating sa lakas sa fans, maikukumpara ang WilBea fans sa rami at pagiging active ng RabGel fans nina Rabin Angeles at Angela Muji. Maririnig naman kung gaano kalakas ang sigawan sa mediacon ng University Series at aakalain na sila ang main stars sa nasabing event.

Pero, nasa mediacon ang WilBea dahil kasama sila sa University Series na talaga namang klik sa fans. Napapanood pa rin sila sa Viva One kung saan streaming ang Love U Lots and as expected, nangunguna sa rami ng subscribers.

Ang fans din ng WilBea ang isa sa mga rason kung bakit nag-soldout ang two-night concert ni Wilbert sa New Frontier Theater. Sila rin ang dahilan kung bakit dadalhin sa Cebu at Davao ang WRten By concert ni Wilbert. Ang request lang ng fans, sana guest si Bea sa nabanggit na concert. May mga nadismayang fans dahil sa second night ng concert, hindi na guest ang aktres.

Anyway, marami pang projects ang WilBea na aabangan at ikatutuwa ng kanilang fans, kasama na ang first movie nila together sa Viva Films.

ANNE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with