Anjo, nagsisisi sa ginawa sa TVJ!

MANILA, Philippines — Naka-face mask si Anjo Yllana nang dumating sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 the other night na ginanap sa Shangri-La Edsa.
Pagbibiro, baka raw kasi may dumampot sa kanya: “May naninigil sa akin ng P3.5 million.”
Ang tinutukoy niya ay ang utos ng korte na magbayad siya sa Eat Bulaga/ TVJ matapos hatulan ng guilty sa umano’y paninirang puri niya sa mga host ng nasabing noontime show.
Sa ngayon daw ay P20k pa lang ang naiipon niya sa nasabing P3.5 million.
Nauna na siyang nag-public apology at nang tanungin namin kung nag-reach out na ba siya kina Tito, Vic and Joey, hindi pa raw.
Pero aminado siyang malaking pagkakamali ang ginawa niya dahil lang sa sama ng loob.
Hindi pa nagtatagal nang ilabas ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 279 ang desisyon sa isinampang kaso laban sa kanya kung pinagbabayad ng korte ang komedyante ng P3.5 million bilang danyos.
“Ang pinaka-wish ko lang naman ngayon hindi naman ‘yung kung guilty ba ako o hindi or kung may babayaran akong malaki o hindi.
“Mas wish ko ‘yung sana humupa na kung meron man sa panig ko... ang galit... sila,” sabi ni Anjo.
“Mas masakit... para sa akin mas masakit ‘yung kapag meron ka palang mga taong may nakasamaan ng loob... minahal, nararamdaman mo na may galit sila sa ‘yo, ‘yun ang masakit sa akin hindi naman ‘yung guilty ka o may babayaran ka,” seryosong paha Anjo.
“I learned from my mistakes, first time kong nagawa ito in my 41 years ko sa showbiz. Ang pinagsisihan ko ‘yung bagay na natutunan ko, sabi ko nga you learn from your mistakes.
“Kapag hindi ka natuto sa mistakes mo, e, wala ka nang pupuntahan. E, sarili ko lang ‘yun, e. Kumbaga mag-isang laban ko lang ‘to,” aniya pa.
At ang mga natutunan niya. “Parang kasalanan ko na naging emosyonal din ako. Naglabas ako ng mga sama ng loob ko pero ‘yun nga first time lahat ng ‘to sa akin, e... ang importante rin sa akin ay natutunan ko na, ‘Ay mali pala ‘yun.’
“Saka ‘yung mga anak ko rin pinagalitan ako ng mga anak ko.”
Nag-file na siya ng appeal na malamang aniya ay umabot pa sa Supreme Court.
- Latest




















