John Lapus, pinaghahandaan si Atasha!

Muling tatapak sa entablado si John “Sweet” Lapus para sa bagong musical na Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.
Hindi nga raw inasahan ni Sweet na masusundan agad ang Delia D: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo kung saan gumanap siya bilang Mama Eme.
Kaya sobrang tuwa niya nang mapabilang sa cast ng Bongga Ka ‘Day matapos mag-audition noong May 7 sa PETA theater.
“Pinakanta kami at pinasayaw. Grabe ‘yung routine ng sayaw, ang hirap. Pero kinaya ko. Tapos na-callback ako the next day sa Newport Performance Arts Theater. Kanta ulit at sayaw. Kabang-kaba ako kasi pabawas kami nang pabawas.
“Tapos sinabihan ako na bumalik ng after ng lunch for the reading. Nandoon na si Atasha Muhlach. Pinag-read at improvisation kaming dalawa. ‘Yun na. Nakatanggap na ako ng e-mail na pasok nga daw ako,” kuwento ni Sweet na pinost sa kanyang YouTube channel ang naganap sa audition niya para sa naturang musical.
Bilang si Tarurit sa Bongga Ka ‘Day, ibang-iba raw ito kay Mama Eme sa Delia D.
“Kung si Mama Eme is motherly and sweet, itong si Tarurit, saksakan ng maldita, istrikta at suplada! Feeling ko nga, aawayin ako ng mga fan ni Atasha after watching this musical!” tawa pa niya.
Timing nga raw ang pagdating ng Bongga Ka ‘Day kay Sweet dahil sa birthday month niya ang simula ng kanilang rehearsals.
“Nag-pictorial na kami at video shoot. First week of July start na kami ng rehearsals. Napakagandang birthday gift for me ang makasama sa cast ng saktong sa birthday ko ang press launch namin. ‘Yun na ‘yung party ko!” sey niya who will turn 53 sa July 7.
Bukod sa pagiging abala niya sa musical theater, tuloy pa rin daw ang involvement niya sa activities ngayong Pride Month.
“Balik -ambassador ako sa pagbabalik ng White Party Manila. Grabe, 10 years ako naging ambassador niyan when it was held in Malate, Manila. Bago pa lang noon ang Mentorque. Ngayon producer na din sila ng movies.
“Sana madami ang pumunta sa June 27 sa World Trade para mapakita ng LGBTQIA+ community kung gaano tayo kalakas at powerful. Eto na din ang time para magsama-sama at mag-unite ang LGBT na Gen Z, Millennials at Gen X. Pati mga Boomers ay welcome!”
MISTER NU, PURONG PINOY
Natuwa ang Pinoy pageant fans sa pagkapanalo ni Jose Carlos Paras bilang Mister National Universe 2026 na ginanap sa Thailand noong June 22. Ni-represent niya ang Boracay Island.
Sa edad na 22, si Paras ang very first Filipino to claim the primary Mister National Universe title since nagsimula ang pageant noong 2017. Tinalo ni Paras ang higit sa 22 contestants.
Pinagmalaki ng mga supporter ni Paras na purong Pinoy ito at hindi “halfie” o may foreign blood o lumaki sa ibang bansa.
Lumaki si Paras sa Pampanga at isa itong fitness instructor sa Boracay Island. Isa rin itong kontesero o mahilig sumali sa male pageants tulad ng Century Tuna Superbods (2022); Man of the Philippines (2022); Mister Friendship International (2022); at Mister International Philippines (2025).
During the competition, pinagmalaki niya ang kanyang community work with his advocacy project, Sanbata is Santo (One Child, One Smile), na sumusuporta sa pag-aaral ng ilang less fortunate children.
Dahil puwedeng magpadala ng multiple contestants sa naturang pageant, nakasama niya nang mag-compete si John Paulo dela Cruz na ni-represent naman ang Philippine Islands. Nakuha naman nito ang title na Mister National Earth 2026.
Mga naiwan ni Liam Payne, namana ng anak
Ang nine-year-old son ng pumanaw na One Direction singer na si Liam Payne ang magmamana ng kanyang naiwang estate worth $28 million.
Ayon sa report ng TMZ, noong biglang pumanaw si Liam noong October 2024 at the age of 31 sa Buenos Aires, Argentina, wala itong naiwan na will. Dahil nag-iisa lang ang anak nito na si Bear Grey Payne, kaya ito na ang naging sole heir.
Bukod sa pera, may naiwan din itong 5-bedroom house sa England.
“Some of the funds can be used now, while the rest will be held in a trust until Bear turns 18,” ayon sa TMZ.
Mga co-administrator sa Payne estate ay ang ina ni Bear na si Cheryl Cole and lawyer Richard Mark Bray.
Naghiwalay noong 2018 sina Liam at Cheryl kaya may limited authority ito sa mamanahin ng anak nila.
- Latest























