DonBelle, may lampungan!

Wala nang cutesy feels ang pelikulang Tayo Sa Wakas nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Ibang level. Ang lalim ng pinanggalingan ng kuwento kaya iba ang acting nila.
Pero ang husay-husay at lumabas ang alindog ni Belle.
Umiikot ang kwento nito sa ‘lovers turned rivals’ na sina Cisco (Donny) at Cheska (Belle), na haharapin kung paano naaapektuhan ng ambisyon ang kanilang relasyon.
Nagkaroon sila ng isang breakup trip para pag-usapan kung panahon na ba talagang bumitaw o pwede pang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
May pait sa kuwento pero maraming natamaan sa kuwento.
- Latest
























