RabGel, totohanan na!

MANILA, Philippines — Sa June 12 na magsisimulang mag-stream sa Viva One ang Dating Alys Perez, na pagpapatuloy sa kuwento ng Seducing Drake Palma na isinulat ni Ariesa Domingo o Beeyotch sa Wattpad.
Tampok na rito si Zeke Polina na siyang pumalit kay Dylan Menor. Siyempre, bida rito ang sikat na RabGel loveteam nina Rabin Angeles at Angela Muji.
Sabi ng RabGel, itong Dating Alys Perez ang first serious project na gagampanan nilang dalawa. “Hindi na po kami pa-sweet. This time, challenging na po ‘yung gagawin namin dito,” pakli ni Angela Muji.
Sabi naman ni Rabin Angeles, “Mas mabigat po talaga siya e. Parang iba po ‘yung kaba, kasi mas mabibigat na ‘yung mga eksena. Kaya mas focused po talaga kami sa set ngayon. Parang less kulitan, pero nandiyan pa rin. Mas matured na po ito.”
Dagdag na pahayag ni Angela, “it’s exciting because this wattpad was used to be the book that we read, by children, no children, siguro pre-teens naman. So, nakakakilig lang na dati mong binabasa, ngayon gagampanan mo na.
“It’s surreal. I really can’t explain the feeling na parang totoo ba? Really ba?”
Sabi naman ni Zeke, malaki raw ang naitulong ng mga workshop nila kaya kaagad silang nagkapalagayan ng loob, at magaan na sa set. “Thankfully naman, of course may mga workshop naman.
“May mga workshop na kaming dalawa ni Angela, may mga workshop na kaming tatlo, may mga solo workshops. Kaya it’s just from that, magiging close kayo ng cast. And then sa set, may mga romantic scenes, we gonna do it naman comfortably,” saad pa ni Zeke.
Napapansin ko sa nakaraang mediacon ng Dating Alys Perez, sobrang protective ni Rabin kay Angela. Inalalayan niya ito at nakikita ang closeness nilang dalawa.
Talaga naman daw na protective si Rabin sa ka-loveteam niya. Totoo raw ‘yun at hindi pagpapakita lang para sa fans nilang dalawa. “Dapat ko po talagang protektahan si Angela. Sa kanya ko lang po ginagawa ‘yun,” seryosong saad ni Rabin.
Iyong closeness daw nilang dalawa ay hindi para sa loveteam nila, kundi totoo raw ‘yun at hindi pinepeke.
“Sa amin po kasi, hindi kami napre-pressure sa ganung bagay. Because, what you see is what you get. So, kung ano lang po kami on cam, ganun lang po kami,” tugon ni Angela.
“Hindi po namin pinipilit,” dugtong ni Rabin.
“Oo. Ayaw po namin ipilit,” sabi ulit ni Angela.
“Iba po talaga ‘yung samahan namin,” kaagad na tugon ni Rabin.
Ang Dating Alys Perez ay nasa direksyon ulit ni Crisanto Pablo.
- Latest

















