Charo, napa-oo si Coco!

Isa si Charo Santos sa pinakamasaya na finally, member na ng AKTOR PH si Coco Martin.
Ang higpit ng yakap ng dalawa nang magkita sa assembly ng nasabing organisasyon na pinamumunuan ni Dingdong Dantes.
“Some conversations happen quietly at home, yet carry a bigger purpose for the industry.
“We invited Coco to become part of @aktorph, and true to his heart for the craft, he said yes- not only as a member, but with a sincere desire to contribute more meaningfully to the acting community.
“With his influence, discipline, generosity, and work ethic, Coco is such a valuable addition to the organization, and I am truly proud to welcome him into AKTOR.
“Congratulations to Chairman Dingdong Dantes and the entire executive team for the many milestones you continue to achieve for Filipino actors and our industry,
“Exciting times ahead.”
May pinost na photo si Charo na magkakasama sila nina Dingdong at Coco at sabi nito, the photo was taken September last year. Ito ‘yung time na binisita siya ng dalawa sa kanyang bahay at first time rin na kanilang pinag-usapan ang AKTOR PH.
Nagpasalamat si Dingdong kay Charo, “Thank you so much, Ma’am, for making this happen.” Sagot ni Charo, “Thank you, Dong. I’m really happy it all came together.”
Sabi naman ni Coco, “Thank you so much Ma’am” at sagot ni Charo, “Maraming salamat, Coco. Your presence in AKTOR is a reminder na mas malakas tayo kapag nagkakaisa para sa kapakanan ng mga artista.”
Patay-malisya kay Mariel...Pokwang, inokray si Sen. Robin!
May reaksyon si Pokwang sa pahayag ni Sen. Robin Padilla na “Hindi ko itinakas si Sen. Bato!”
Comment ni Pokwang, “Ipinasyal lang niya po. Kasi, sa tagal na hindi na pumapasok sa Senado ni Bato, baka nakalimutan na niya ang pasikot-sikot; kaya nag-tour lang po sila. Wag po tayong mapagbintang!
“Pasok-pasok din kasi Bato!”
Natawa ang netizens sa comment na ito ni Pokwang at may pumuri sa tapang niya kahit alam na baka magtampo si Robin sa kanya o ang misis nitong si Mariel Rodriguez na friend niya. Ano raw kaya ang mararamdaman ni Mariel kapag nabasa ang comment na ito ni Pokwang?
Sinakyan ng netizens ang comment ni Pokwang, naging tour guide lang daw ni Bato si Robin sa pamamasyal ni Bato dahil nga matagal na hindi nakalabas sa kanyang pagtatago.
- Latest




















