Cristine, engaged na ulit!

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang recent engagement ni Cristine Reyes sa kanyang non-showbiz fiancé na si Gio Tingson, dating chairman ng National Youth Commission (NYC) na naganap sa Hong Kong just a couple of days ago.
Masasabing makulay ang buhay-pag-ibig ni Cristine dahil lahat pinag-usapan ang mga lalaking na-link sa kanya tulad nina Dennis Trillo, Rayver Cruz, Derek Ramsay, at iba pang actor tulad nina Keempee de Leon, Joross Gamboa at Mark Herras.
Cristine was formerly married sa Filipino-Iranian model-actor at mixed martial artist na si Ali Khatibi, ama ng kanyang 11-year-old daughter na si Amarah. Ang dating mag-asawa ay ikinasal sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony sa Balesin Island noong Jan. 27, 2016.
Pero nagkahiwalay ang dalawa nung 2018 at ito’y kinumpirma lamang ng actress nung March 2019. Pero sa kabila ng paghihiwalay ng dalawa, nanatili silang magkaibigan dahil sa kanilang kaisa-isang anak na si Amarah.
Si Ali ay may iba na ring karelasyon ngayon, ang non-showbiz na si Dona Balmadrid at meron na rin silang anak, ang almost two years old na si Axel Joshua.
Although naging boyfriend ni Cristine ang actor na si Marco Gumabao, nauwi rin ito sa hiwalayan nung early 2024.
Dati na silang magkakilala at nagkaroon ng sandaling relasyon noong 2009.
Pero naghiwalay at muling nagtagpo noong 2025.
Sa Hong Kong pinili ni Gio na mag-propose kay Cristine which they both posted sa kanilang magkahiwalay na social media accounts last Wednesday, na agad inulan ng mga pagbati mula sa showbiz friends ni Cristine na ang biological father ay isang Muslim mula sa Tawi-Tawi.
Bongga ka ‘Day… handa na
Matapos ang matagumpay na staging ng Bagets: The Musical sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts na tinampukan nina Andres Muhlach, KD Estrada, Tomas Rodriguez, Jeff Moses at Milo Cruz, isa na namang highly anticipated stage musical ang aabangan ng mga manonood sa pamamagitan ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical na inspired naman sa Manila Sound hits (ng dekada ‘70) ng grupong Hotdog. Ito’y sa pamamagitan din ng kolaborasyon ng tatlong giants in the industry – ang Newport World Resorts, Viva Communications, Inc. at The Philippine STAR.
Sa totoo lang, Salve A., ngayon pa lamang ay excited na kaming panoorin ito.
Nagkaroon na sila ng audition kamakailan.
- Latest




















