Juday, hindi uunahin ang aid?!

Hindi pala agad-agad gagawin ni Judy Ann Santos ang political drama film na Aid na ididirek ni Brillante Mendoza.
Ayon sa isang malapit sa actress, may gagawin muna itong project na ayaw magbigay ng source ng detalye pero malaking project daw ito.
Ayon pa sa source, wala pa diumanong funding ang Aid, naghahanap pa raw sila Direk Brillante.
Medyo matagal na raw itong pinag-uusapang project na supposedly ay pagsasamahan ng Filipino at European talents na sabi ay isang internationally backed production.
Sa original plan sa lumabas na item tungkol dito, makakasama raw dito ni Juday and French actress na si Jeanne Balibar at si Stacy Martin na co-production nga raw ng producer from the Philippines, France and Netherlands.
Sa pelikula, gagampanan sana ni Juday si Rudy Dela Cruz, ang lider ng isang non-government organization na nakatuon sa pagprotekta sa mga batang Aeta pero masasangkot daw sa gulo sa humanitarian funding.
Interesting, pero ‘yun nga hindi raw kaagad mauumpisahan ng actress.
Lately ay hindi na masyadong aktibo sa show business si Judy Ann. Matatandaang sa pelikulang Espantaho pa ang huling pinagbidahan ng aktres noong isang taon.
Katuwiran niya, walong taon pa lang ay nagtatrabaho na kasi siya.
“So now, parang lahat ng schedules ko, for some reason, it’s just easy for me to do it simply because nailatag ko na ‘yung workload ko no’ng bata pahayag ko. So, I can now choose my time for my family,” sabi niya sa previous interview.
- Latest


























