Kylie, sumabit sa 17th floor!

Tuwang-tuwa si Miguel Tanfelix nang ikumpara siya sa Hollywood actor na si Timothee Chalamet, jowa ni Kylie Jenner.
Kamukha raw niya talaga nang magpatubo siya ng balbas at magpahaba ng hair na parang curly-curly para sa political action-drama series niya sa GMA Taskforce Firewall.
“Ahhh anu po… syempre nakakatuwa pero kahit ‘di ko po nakikita ‘yung sarili ko sa kanya. Natutuwa ako dahil idol ko po siya ‘yung mga projects na ginagawa niya pinapanood ko… opo napanood ko, favorite ko ‘yung (A Beautiful Boy) so para mai-compare kay Timothee Chalamet masarap po sa pakiramdam pero sana hindi lang sa looks ‘di ba gusto ko rin makagawa ng mga materials na ginagawa niya,” reaction ni Miguel na ang huling ginawang pelikula ay ang pelikulang Marty Supreme kung saan na-nominate si Timothee sa lahat ng prestigious award-giving bodies sa mundo.
Samantala, aminado si Miguel na madalas silang nag-uusap ng girlfriend na si Ysabel Ortega.
“Madalas kaming nag-uusap kung anong mga pangarap namin sa career namin and ako sobrang saya ako for Ysabel dahil kakatapos lang successful show nila na character niya na si Armea sa Sang’gre. So ayun parehas naman kaming may mataas na pangarap din sa isa’t isa so ako kahit anuman ibigay na show sa kanya mapa-solo man o loveteam, suportado ko siya 100 percent,” pahayag ng young actor.
Grateful din si Miguel na nakatrabaho niya si Kylie Padilla sa Taskforce Firewall.
“Dati medyo nai-intimidate syempre Kylie Padilla, action star pero nung nakilala ko siya, nakatrabaho ko siya mas naintindihan ko siya bilang tao and ‘yun sinasabi ko sa kanya na mas nakikita ko siya bilang tao ngayon hindi lang Kylie Padilla so happy ako dun,” pag-amin pa niya.
Umamin naman si Kylie na natakot siyang mag-rappelling mula sa 17th floor.
Alam na raw niyang gumamit ng harness, pero iba raw ito nang tanungin siya kung anong unforgettable na eksena ang ginawa niya rito sa Taskforce Firewall na mag-uumpisa nang mapanood sa May 25.
“Ang masasagot ko diyan ay ‘yung rappelling namin from 17th floor… kasi bata pa lang po ako nagti-training na ako with the harness kung pa’no gamitin ‘yung harness nang tama pero first time kong bumaba sa building and ang masasabi ko nakakatakot po siya pero nagawa namin nang maayos and ang gandang tingnan ‘pag napanood na po ninyo and super proud of myself and ‘yun nga abangan po ninyo and that’s new and also first time ko makakatrabaho si Miguel (Tanfelix) dito and buddy cop ang relationship namin dito so ‘yun ang ganda rin ng chemistry namin onscreen and mahusay siya na artista and ‘yun I’m really really happy to be work with him and syempre the rest of the cast,” mahabang sagot ng anak ni Sen. Robin Padilla na hindi na nakausap ng mga dumalong entertainment press sa naganap na media conference ng Taskforce Firewall na ang misyon ay raise awareness and promote the prevention of rampant cybercrimes through compelling storytelling na tungkol sa group of individuals brought together by fate and united by a mission to become cyber protectors.
Makakasama rin nila sina Jak Roberto, Kyline Alcantara and Buboy Villar.
Mapapanood ito from Mondays to Fridays at 8:55 p.m. after The Master Cutter on GMA Prime and via Kapuso Stream and GMA Play, with a delayed telecast on GTV.
- Latest





















