Dingdong, sinugod din ng DDS!
Pagkatapos ni Gian Bernardino ng Cup of Joe, kay Dingdong Dantes naman galit ang mga DDS at dahil lang ‘yun sa FB post ng aktor promoting his action series The Master Cutter. Inisip ng mga DDS na si Senator Bato dela Rosa ang tinutukoy ni Dingdong sa kanyang post.
Ang post lang naman ni Dingdong ay “Tuloy ang paghahanap ni Atoy sa nawawalang...(sinundan ng emoji ng rebulto). Matugis na kaya kung sino ang salarin?”
Sa rock emoji na ginamit ni Dingdong nag-react ang mga DDS dahil ang dating sa kanila, si Bato ang pinatutungkulan ng aktor. Ang Tagalog daw kasi ng rock ay bato, kaya nang mabasa ang post ni Dingdong, inaway na nila ito.
May comment pa na “Hilig talaga makisawsaw ng mga artistang ‘to sa usapan. Puro kau b*b*, kinain na kayo ng pulitika.”
May nang-asar na post na “Weh??? Kahit ano pa ipost nyong mga artista, hindi nyo na makikita si sen bato. Naisahan kayo. Hanapin mo na lang siya.”
Hindi man sumagot si Dingdong sa pang-aaway sa kanya ng mga DDS, to the rescue ang netizens. Tapos daw ng college si Dingdong at nag-aral sa Ateneo de Manila at San Beda College. Hindi raw laos ang aktor at patunay ang three shows niya sa GMA at may film project.
Number one raw sa Netflix ang The Master Cutter at maganda ang review ng mga viewers. At ang emoji ng rebulto na pinost ni Dingdong ay patungkol sa nawalang St. Anthony de Padua sa simbahan at hindi dahil kay senator Bato.
Sarah, hinahanap kay Matteo
Inaway rin ng mga fans ni Sarah Geronimo ang asawa nitong si Matteo Guidicelli dahil sa post ni Matteo sa birthday celebration ni Ranvel Rufino. Tanong ng fan kay Matteo, “Nasaan na si Sarah? Tagal wala na update sa kanya ikaw panay post ng ibang tao.”
May nag-agree sa comment ng fan na hinahanap si Sarah. May sumagot na hindi trabaho ni Matteo na i-update ang mga fans ni Sarah at kung gusto nila ng update sa misis ni Matteo, sa account ni Sarah sila magpunta. Kapag nag-post naman daw si Matteo patungkol kay Sarah, sasabihing user ito at ginagamit ang asawa for engagement.
Anyway, masaya ang birthday ni Ranvel dahil bukod kay Matteo, present din si Daniel Padilla, Enrique Gil, Edu Manzano, Ruru Madrid, at Bianca Umali. Tama ba kami na sa restaurant nila Matteo ang birthday dinner nay un ni Ranvel na talent manager at commercial agent din bukod pa sa pagiging producer ng A Secret in Prague?
Jillian, ‘di pa nga ba nagkaka-BF?
May follow-up tsika kina Jillian Ward at Kobie Brown at ang sabi, matagal nang magkakilala at magkaibigan ang dalawa. Friends din daw ang mother nilang dalawa at magkasosyo sa negosyo. Ito raw ang dahilan kung bakit komportable agad ang dalawa sa isa’t isa.
Pero, marami pa rin ang nagtatampo kay Jillian dahil iniwan daw sa ere si Eman Bacosa Pacquaio.
Inakusahan pa si Jillian na ginamit si Eman to promote her single and “Never Say Die” na incidentally, finale week na ngayon.
Nakakatuwa lang na maingay ang love life ni Jillian kahit wala pa siyang boyfriend. Abangers na ang mga fans nito kung si Kobie raw ba ang magiging first boyfriend niya? So hindi pa ba talaga siya nagkaka-BF?
- Latest




















