Mika, sumagot sa bashing

Nag-react si Mika Salamanca sa sunud-sunod na bashing sa kanya matapos niyang mag-tweet ng kanyang opinyon hinggil sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.
Nag-tweet lang siya ng isang one-liner na “avoiding politics won’t avoid you, wake up” at katakut-takot na pang-aatake na ang natanggap niya.
Ginamit din ito ng iba para ipaalala sa kanya ang dati niyang pagkakaugnay sa kaibigang si Kitty Duterte although marami rin naman ang nagtanggol sa kanya.
Sa latest tweet ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner, ipinahayag niya ang pagkadismaya sa ilang fans and netizens.
“You can always disagree with what i’m saying or even with who i am as a person, but really? even in conversations about people’s frustrations with the government, some of you still choose to focus on attacking individuals instead of the actual issue,” aniya.
Panawagan ng aktres/content creator, “stop using this situation to hate artists that you don’t like. sana ilagay natin sa tama yung galit naten at sana kung gaano kataas standards nyo sa mga content creators at artista ganyan din kataas standards nyo sa mga iuupo nyo sa 2028.”
- Latest






















